Lampong (427)
“MAAARI na tayong umuwi, Jinky, wala na ang salot sa ating itikan,†sabi ni Dick.
“Natatakot ako Dick.â€
“Ano pang ikatatakot mo e wala na nga ang mga taong nagdulot sa atin ng problema.’’
“Hindi kaya ako imbitahan ng mga pulis dahil sa nangyari kay Franc?’’
“Kung iimbitahan ka, dapat noon pa. Isang buwan na ang nakakalipas mula nang mangyari ang pangho-hostage ng Franc na iyon at wala namang balita ukol sa iyo. Siguro’y hindi ka natandaan ng mga lalaking sabi mo ay sumugod sa bahay at nagligtas sa’yo. Isa pa, may hinostage na kaÂsamahan nila. Nang mapatay ang hostage taker, sarado na ang kaso.’’
Nag-isip si Jinky. Baka nga ganoon ang nangyari kaya hindi na siya naÂimbestigahan. NagpaÂsalamat siya sa Diyos at hindi na nagulo pa ang kanilang buhay. Kung napabalita ang nangyari sa kanya, malaking kahihiyan sa mga nakaÂkakilala sa kanya.
“At saka sabi ni Pareng Rey, wala raw siyang narinig ukol sa iyo nang magtungo sa crime scene. Sa hostage taker nakasento ang kanilang atensiyon. Kasi nga raw, ang lalaking iyon ay parang nagkatopak na kapag may mga nagkukuwentuhan sa tapat ng bahay niya ay laging nagmumura at nagbabanta na mamamaril. Siguro, dahil nga sa galit ng mga tambay kaya sinugod na ang lalaki. Matagal na silang nagtitimpi. At nagkataon na humihingi ka naman ng tulong.â€
Napatango na lang si Jinky.
“Pero malaki ang utang ko sa mga tambay, Dick. Kung hindi sila sumugod, baka tuluyan akong nagahasa at napatay ng Franc na iyon.’’
“Sabi mo may kapatid pa ang Franc na iyon. Hindi kaya iyon naman ang maghiganti sa atin?â€
“Nasa Saudi ang kapatid ni Franc. Siguro naman ay hindi na niya tayo guguluhin.â€
“Sana nga.â€
“Basta mag-iingat na ako, Dick.â€
“So kailan mo gustong magbalik tayo sa Villareal, Jinky. Gusto ko, makita ang pinsalang ginawa ni Mr. Chan, Jinky.â€
“Next week, uwi na tayo, Dick.â€
“Kahit na lungayngay si Batutoy, sasama ka sa akin.â€
“Oo. Siguro naman ay babalik na rin yan sa dating tikas kapag nasa probinsiya na tayo.’’
“Sana nga, Jinky.â€
“Basta huwag ka nang bibili ng green capsules na gawgaw lang pala ang laman, he-he!â€
“Hindi na. Siguro baÂlang araw ay makakatuklas din ako ng gamot para kay Batutoy.â€
“Basta hindi kita iiwan, Batutoy, este Dick, he-he!â€
MAKALIPAS ang isang linggo ay umuwi na sina Dick at Jinky. Tuwang-tuwa sina Mulong at Tina.
Nang bisitahin nina Dick at Jinky ang itikan, wala na ngang laman. Ubos lahat ang mga itik.
Pero positibo si Dick na muli silang makakabangon.
(Itutuloy)
- Latest