^

Punto Mo

‘Sina Kris, Bong at ang SKAL’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAY mga korporasyon na pinatatakbo ng ating gobyerno at bilang insentibo para pagbutihin nila ang serbisyo sa ating mga kababayan binibigyan sila ng papuri at parangal.

Nung ika-5 ng Setyembre, 2013 muling kinilala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kanilang walang tigil na pagsuporta sa ating lokal na industriya ng turismo sa bansa. Ito ay matapos parangalan si PAGCOR Chairman at CEO Cristino L. Naguiat, Jr. bilang “Personality of the Year” para sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) sa “23rd SKAL Tourism Personality Awards” na ginanap sa New World Hotel, Makati.

Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga indibidwal o organisasyon mula sa iba’t-ibang industriya tulad ng travel at tourism, media, gobyerno at sa akademya, na nag-ambag ng malaki sa pagsulong ng turismo. Isang inspirasyon ito para sa PAGCOR Chief at sa buong ahensya ang pagkilala sa kanya ng internasyonal na organisasyon tulad ng SKAL. Ayon kay Chairman Naguiat ito ay nagbibigay sa kanila ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanilang mga gawain sa paghihikayat sa maraming turista upang makita ang katangi-tanging ganda ng Pilipinas. 

“Ang pagpapa-unlad sa Entertainment City ay nagsimula noong 2009 sa pagtatayo ng Resorts World Manila. Sa kalagitnaan ng Marso ng taong ito ay binuksan ang Phase 1 ng isa sa aming apat na pangunahing licensees ang Solaire Resorts and Casino sa publiko. Gayundin ang Melco Crown Entertainment na nakipagsosyo sa SM group. Masaya namin inaabangan ang susunod na pagbubukas ng ilan pa, ngayon naman ay ang Philippine version ng Famed City of Dreams,” sabi ni chairman Naguiat.

Ayon naman kay Robert Lim Joseph, Jr., presidente ng SKAL International Makati na ang PAGCOR Chief ay lubos na nakatulong sa ‘travel industry’. Wika niya, “ang kailangan namin ngayon ang maraming mga propesyunal kung saan tutulong sa iba’t-ibang industriya na may kauganayan sa turismo upang gawin ang mga lokal na sektor ng tu­rismo na makipagsabayan sa buong mundo. Paano namin ito maisasagawa? Ito ay sa pamamagitan ng mga seminars, technology transfer, lubusang pagsasanay at iba pa. Dapat natin itaas ang bawat isa at ang mga bagong manlalaro sa industriya ang tutulong sa atin na makamit ito.”

Dagdag pa ni Joseph, “ang pagpapaunlad ng lugar ay lubos na makakapagpabago ng tourism landscape sa ating bansa. Gusto namin magpokus sa MICE (Meetings, Incentives, Confe­rencing and Exhibitions) sa mga oportu­nidad na mabubuo ng proyekto.”

Paliwanag pa ni Joseph na tinatawag din nila ang Entertainment City na MICE City dahil ang mga laro ay may maliit lamang na parte sa buong proyekto. Ito ay mas maraming hotel rooms, convention centers, exhibition halls, shopping at iba pa. Ang SKAL International ay isang organisasyon na binubuo ng mga ‘tourism leaders’ mula sa siyamnapung (90) bansa. Kada taon ay isinasagawa ng organisasyon ang “SKAL Tourism Personality Awards” para bigyang pugay ang mga personalidad na nakapag-ambag ng malaki sa pagsusulong ng turismo sa bansa.

Bukod kay Chairman Naguiat pinarangalan din sa 23rdSKAL Tourism Perso­nality Awards sina Lucio Tan bilang Hall of Fame Awardee; Tourism Secretary Ramon Jimenez bilang Government Personality of the Year; Cebu City Vice Go­vernor Agnes Magpale para sa kategoryang Local Go­vernment Perso­nality of the Year; Broadcast Media (T.V./ Radio) Personality of the Year si GMA Network CEO Felipe Gozon; at TV host Kris Aquino bilang Travel Show Personality of the Year.

Gayundin sina Baron Travel CEO Ma. Elena Pa­nganiban–Yaptangco bilang Travel Agency Personality of the Year; Tourism Magazine Personality of the Year naman ang Publisher at Chairman ng La Isla Magazine na si  Timmy Tan; habang si Honey Loop ng Philippine Star ‘lifestyle columnist’ para sa Local Print Media Personality of the Year; Airlines Persona­lity of the Year naman ang Country Manager ng Qatar Airways na si Abdallah Okasha; at ang Chairman ng Belle­vue Hotels and Resort na si Johnny Chan bilang Hotel Personality of the Year.

Samantalang ang CEO at owner ng Plantation Bay Resort and Spa na si Emmanuel Gonzales ay pinarangalang Resort Personality of the Year; habang ang Gawad Kalinga Founder na si Antonio Meloto ay ang Social Tourism Personality of the Year.

Ang President naman ng Clark Development Corporation na si Arthur Tugade ay tinanghal na Tourism Development Personality of the Year; bilang Media Forum Personality of the Year naman ang Manila Bulletin columnist at Associate Editor na si Deedee Siytangco; at ang Philippine Star travel columnist na si Christine Dayrit bilang National Print Media Personality of the Year.

Iba-iba man ang kategor­yang ipinarangal sa ating mga kababayan, iisa pa rin ang itinataguyod nila. Ito ay ang ipakilala at ipakita sa buong mundo ang tunay na ganda ng Pilipinas.

(KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming­ numero 09213784392 (Carla) /09213263166 (Chen) / 09198972854 (Monique) at 09067578527 (Mig). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.

 

vuukle comment

BILANG

CHAIRMAN NAGUIAT

ENTERTAINMENT CITY

PERSONALITY

SHY

TOURISM

YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with