^

Punto Mo

Mayor Erap, narito ang tong collectors ng Stations 1, 2, 3, 5, 7, 9, 10 & 11

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PILIT kinokontak ng isang William Caayon ang lahat nang gambling lord sa Maynila para ibando na siya ang may basbas kay Mayor Erap Estrada. May ilan nang nakausap si Caayon samantalang marami naman ang umiiwas dahil tinitingnan nila kung talagang may asim nga siya kay Erap. Ayon sa mga kosa ko, sinabi ni Caayon sa mga kausap niyang gambling lord na dapat magkaroon siya ng grease money buhat sa kanila. Huwag daw intindihin si MPD director Chief Supt. Isagani Genabe dahil hindi ito kikilos laban sa illegal gambling at sa halip ay ang tropa ni Erap ang kakana. Nais ni Caayon na lagom ang lingguhang intelihensiya sa palad niya. Subalit sinabi ng mga kosa ko na wala pang nag-commit kay Caayon dahil hindi pa arok ng gambling lords kung ano ba talaga ang relasyon niya kay Erap. Tsaka wait and see ang attitude ng mga gambling lords kay Caayon dahil sa paggantso ng tropa ni Tiger at amo niyang si Jude kina video karera operator Buboy Go at fireworks importer Robert Cheng nang malaking halaga at baka masunog pa sila. Kaya si Caayon sa ngayon ay tahimik muna at inaabangan ng gambling lords ang susunod na kilos niya at kung bagyo talaga siya kay Erap. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ang gulo nitong nakapaligid kay Erap at puro pitsa ang inuuna.

Habang tahimik naman ang scalawag cops na sina Insp. Arnold Sandoval, SPO4 Fernando Cantillas, PO2 Fernando “Andoy” Diamzon at SPO2 Gener Presnedi alyas Paknoy, ang mga bataan naman nila ang gumagala. Maaring no take talaga si Genabe subalit ang mga Station at PCP commanders naman ay take lang nang take at hindi pinapansin ang banta ng hepe nila na i-relieve sila kapag tumanggap sa gambling lords. Kaya ang binubusog ng gambling lords tulad nina Paknoy, Don Ramon at Delfin “Daboy” Pasya ay ang mga station at PCP commanders. Mismo!

Para sa kaalaman ni Erap, ang tong collector ng Station 1 ay si Carding Carille na bata ni Sandoval; si Buboy Alquiroz sa Station 2; si Ruel Robles sa Station 3 at Station 10; si Caloy Chan sa Station 5; si Cocoy Gaddi sa Station 7; si alyas Duran sa Station 9; si Bong Cruz at Joy Rosalita sa Station 11 at sa Traffic ay si PO3 Marlon Gatmunton. Si Chan din ang itinuturong may hawak ng mga “kotong” sa Malate at Ermita, samantalang ang gamit naman ni Chief Insp. Bernabe Erinco ng City Hall detachment ay sina Rigor, Boy Wong at Zaldy Galvez. O, hayan Mayor Erap Sir, ilambada mo na ang mga tong collector na ‘yan para maniwala ang Manilenyo na ayaw mo talaga ng illegal gambling. Hehehe! Tatamaan kayo ng kidlat ni Erap!

Ang tawag pala kay Robles ay king maker. Gamit kasi ang sektang Iglesia ni Cristo, si Robles ang naglalagay ng hepe ng mga station at PCP at ang kapalit ay siya ang magiging tong collector nila. Sinabi ng mga kosa ko sa MPD na si Robles ang padrino ng hepe ng Station 3 at 10 pati na rin ang PCP sa Barbosa, Plaza Miranda, Alvarez at sa Blumentritt at siya rin ang umaaktong kolektor ng mga hepe. Hindi maganda na kinakaladkad ni Robles ang INC na magdiriwang ng ika-100 anniversary sa darating na taon. Dapat itigil na ni Robles ang kahibangan niya! Abangan!

ARNOLD SANDOVAL

BERNABE ERINCO

BONG CRUZ

CAAYON

ERAP

GAMBLING

KAY

STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with