^

Punto Mo

2 kakaibang uri ng mga punongkahoy

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MANCHINEEL TREE --- kilala rin sa tawag na “beach apple” o kaya’y “death apple”. Ayon sa Guinness World Record ang Manchineel ang “pinaka-mapanganib na punongkahoy sa mundo”. Ang kahoy ay makikita sa Caribbean at sa Gulf of Mexico.

Ang bunga ng Manchineel kapag kinain ay magdudulot ng pagkasugat ng labi at lalamunan. Maaaring ikamatay ito. Ang katawan ng puno ay maraming dagta. Kapag ang dagta ay tumilamsik o pumatak sa mga mata, maaaring mabulag. Kapag sa balat pumatak, magkakaroon ng paltos. Kapag umuulan hindi dapat sumilong sa punong ito. Ang usok ng kahoy na ito ay nakabubulag. Ginagamit ang dagta nito sa dulo ng palaso para sa hunting.

MREAH PREW PHNOM --- Ang punongkahoy na ito sa Cambodia ay walang katumbas na English name. Pero alam n’yo ba na sa kahoy na ito kinukuha ang ecstacy? Dahil sa malaking demand ng ecstacy, nanganganib nang maubos ang specie­ ng kahoy na ito.

Ang kahoy na ito ay may safrole oil. Ang ingredient na ito ang ginagamit sa paggawa ng ecstacy. Napaka­delikado ng proseso sa pag-extract ng oil sa kahoy na ito sapagkat nag-eexplode. Kinukuha ang oil sa ugat.

AYON

DAHIL

GINAGAMIT

GUINNESS WORLD RECORD

GULF OF MEXICO

KAHOY

KAPAG

KINUKUHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with