^

Punto Mo

Mga kuwento ng sumpa (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Sumpa sa Pamilya Kennedy

Nakakalungkot ang nangyari sa pamilya Kennedy. Kung hindi pinatay ay namatay sila sa aksidente o dulot ng mabigat na karamdaman. Ang masakit pa, namatay sila habang nasa kasibulan pa ng kanilang edad. Sina John F. Kennedy at Robert F. Kennedy ay binaril nang pataksil habang sila’y nanunungkulan pa.

Ang iba pang kapamilya ay si Johh F. Kennedy Jr. na namatay sa plane crash noong 1999.  Ang kapatid ni John na si Rosemarie ay namatay sa sakit sa utak. Namatay sa giyera si Joseph Kennedy samantalang si Michael Kennedy ay namatay sa aksidente habang nagi-skiing.  Si Edward Kennedy Jr. ay naputulan ng paa sa edad na 12 taon.

Sumpa ng libingan ni Tutankhamen

Simula nang buksan ang libingan ni Tutankhamen (Egyptian pharaoh) ay nagkasunod-sunod na ang trahedya: Si Lord Carnarvon, ang financier para hanapin ang libingan ni Tutankhamen ay biglang nagkasakit ng malubha hanggang sa mamatay. Ang asong alaga nito ay namatay din pagkatapos tumahol nang sunud-sunod.

Pagkatapos nito ay labing-isang  tao na nagkaroon ng kaugnayan sa pagbubukas ng libingan ang sunud-sunod na namatay. Ang dalawa sa mga ito ay sekretarya ni Carnarvon na si Richard Bethell at ama nitong si Lord Westbury. Si Westbury ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglundag sa building. May iniwan siyang suicide note: “Hindi ko na matagalan ang mga katatakutang aking nakikita kaya wala akong nakikitang dahilan para mabuhay pa.”

Conclusion: Ayon sa mga eksperto, hindi totoong kaya  minalas ang mga Kennedy ay dahil sa sumpa. Minalas sila dahil maraming babae ang nakaranas ng hindi magandang trato sa kamay ng mga lalaking Kennedy. Karma raw ang tamang salita at hindi sumpa. Tungkol naman kay Tutankhamen, ang naging dahilan ng kamatayan ng mga taong nagbukas ng kanyang libi-ngan ay poisonous mould at bacteria na nalanghap nila. Ganoon lang kasimple ang dahilan ayon sa mga scientist na sumuri sa libingan ni King Tut at bangkay ng mga taong namatay.

 

JOHH F

JOSEPH KENNEDY

KENNEDY

KENNEDY JR.

KING TUT

LORD WESTBURY

MICHAEL KENNEDY

NAMATAY

PAMILYA KENNEDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with