^

Punto Mo

Hindi aprubado ang resignation

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May kaibigan po akong nag-submit ng resignation letter sa kompanya niya. Hindi po tinanggap ang resignation niya at sinabihan daw siyang hindi raw approved ang pagre-resign niya. Mahihirapan daw kasi ang kompanya na makahanap ng kapalit niya dahil technical ang kanyang posisyon.

Ano po ba ang puwede niyang gawin para hindi lumagpas sa 30 araw magmula sa pagpasa niya ng resignation letter na mabinbin siya sa kumpanya nila? — Helen

Dear Helen,

Sabihan mo ang kaibigan mo na ang pagsusumite ng resignation ay hindi naman para sa paghingi ng permiso mula sa employer. Ito ay para ipaalam lamang sa employer ang intensyon ng empleyado na magbitiw sa trabaho at upang masimulan na ang pagbibilang ng 30 araw (o kung ilan mang araw depende sa policy ng kompanya) na rendering period.

Ipinagbabawal ng ating batas ang involuntary servitude o ang pagpapatrabaho ng sapilitan kaya malaya ang sinuman na umalis sa kanyang pinagtatrabahuhan kung ayaw na niya sa kanyang trabaho, anuman ang dahilan.

Kahit pa sabihin na mayroong itinakda ang batas na rendering period, hindi pa rin ibig sabihin nito na may karapatang mamuwersa ang employer para manatili sa trabaho sa kanyang empleyado. Ang ibig sabihin lang nito ay maaring ma-demanda ang empleyado kung magdulot ng pinsala ang kanyang biglang pag-alis.

Kaya sabihin mo sa iyong kaibigan na kung maayos naman siyang nagpaalam sa kanyang employer ukol sa kanyang pagbibitiw sa trabaho (sa pamamagitan ng isang resignation letter) at sinunod naman niya ang tamang rendering period ay wala siyang dapat ipangamba. ­Maaring magdulot ng sama ng loob sa employer ang kanyang pag-alis pero wala naman siyang nilalabag na batas sa kanyang gagawing pagbibitiw sa trabaho, mahirapan man ang employer sa paghahanap ng ipapalit sa kanya.

RESIGNATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with