^

Punto Mo

Lampong (397)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

S IGURO’y mga 15 mi­nutos lamang lakarin ang patungo sa bahay nina Patrick­ sa Musnit St. Ma­lapit lang. Kapag natanaw niya ang tulay, malapit na. Mga tatlong bahay lang at kina Patrick na.

Naglakad si Jinky pa­tu­ngo sa bahay. Habang nag­­lalakad ay iniisip na niya ang mga sasabihin kay Patrick­. Sasabihin niyang may pinuntahan lang sa ba­yan at nakatuwaang dumaan. O kaya ay mangu­ngumusta lang kung natanggap na ng kuya nito ang beltbag. Wala naman sigurong masama kung dumaan at mangumusta kay Patrick.

Natutuwa siya kay Patrick­. Mukhang masarap na kaibigan. Mukhang mabait at siguro ay masarap ding magmahal. Kung hindi siya nagkakamali ay mga 21 hanggang 22-anyos si Patrick. Matipuno ang pangangatawan ni Patrick. Halatang praktisado at la­ging nasa gym.

Natanaw niya ang tulay. Mabuti na lang at hindi ga­anong mainit ang sikat ng araw. At nakabuti rin na maraming puno sa tabing kalsada. Pawang malalaking akasya ang nakatanim sa kahabaan ng Musnit St. Sa tantiya niya ay mga ilangpung taon na ang mga punong akasya na ang laki ng puno ay sa dalawang magkayapos na tao. Maaaring ang kalyeng ito ay mga sinauna sapagkat malalapad pa. Baka panahon pa ng giyera ang kalyeng ito. Pati mga bahay ay mga luma rin. May nakita siyang kapis ang bintana. Ang isang nakita niya ay parang haunted house. Siguro kaya may mga traysikel drayber na ayaw maghatid dito ng pasahero ay dahil natatakot. Baka may pagkakataon na meron silang nakitang multo sa tulay.

Malapit na siya sa tulay. Konkreto ang tulay na siguro ay mga 25 metro ang haba. Konkreto iyon at mukhang noon pang giyera ginawa. Ang ilalim ng tulay ay pa­wang batuhan. Walang tubig na umaagos.

Nilampasan niya ang tulay. Nakita niya ang mga lumang bahay sa kabila ng tulay. Bibilang siya ng tatlo at sa ikaapat ay iyon na ang bahay nina Patrick.

Isa…dalawa…tatlo…Ang ikaapat na bahay ay kina Patrick na. Napapalibutan nang mataas na pader. Ang gate ay itim.

Nang nasa harap na siya ng gate ay natigilan si Jinky. Parang kinakabahan siya. Inisip kung kakatok na ba siya.

Kumatok siya.

Maya-maya may nasilip siya sa siwang ng gate na paparating na lalaki. Binuksan nang bahagya ang gate. Nagulat si Jinky sapagkat ang lalaki ay ang nakita niyang naliligo noon sa sapa.

“Yes, Mam. Good morning­, ano po ang ma­ipag­lilingkod ko?”

Tulala si Jinky. Matagal bago nakasagot.

“Good morning, ako si Jinky. Si Patrick nandiyan ba?”

“Jinky?” sabi ng lalaki.

“Oo.”

“Halika pasok. Ako ang may-ari ng beltbag!”

(Itutuloy)

BAHAY

JINKY

KONKRETO

MUKHANG

PATRICK

SHY

SIYA

TULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with