Ang nakatutuwang buhay ng quadruplets na sina Suel, Seol, Sol at Mil
MARAMING nakatutuwang kuwento ang mga kambal, triplets at quadruplets. May kambal na nagkahiwalay sapul sa pagkasilang at makaraan ang mahabang panahon ay saka aksidenteng nagkita.
May triplets na halos sabay-sabay na nag-asawa at nagpa-kasal at ang nakatutuwa, triplets din ang kanilang napangasawa.
Marami ring magagandang kuwento ang quadruplets. Pero ang kuwento ng Hwang sisters na sina Suel, Seol, Sol, at Mil ay kakaiba rin at nakatutuwa.
Sina Suel, Seol, Sol, at Mil ay identical quadruplets na ipinanganak noong 1989 sa isang malaking ospital sa South Korea.
Mula sa pagkabata ay masayahin ang apat. Ang problema nga lamang ay marami ang nagkakamali sa kanilang pangalan. Pare-pareho kasi ang mukha at nakalilito. Tanging ang kanilang mga magulang ang hindi nalilito sa kanila. Kahit pa anong mangyari, may palatandaan ang kanilang mga magulang sa kanila kaya hindi nagkakamali sa kanilang pangalan.
Ang nakatutuwa ay nang makatapos sa pag-aaral ang apat at sabay-sabay na natanggap sa isang ospital. Ang nakatutuwa, sa ospital kung saan sila ipinanganak natanggap magtrabaho.
Ang nakatutuwa pa, noong nakaraang Mayo ng taong ito, sabay-sabay na ikinasal sina Seul, Sol, at Mil. Tanging si Seol ang hindi sumabay sa joint wedding, sapagkat nauna na siyang magpakasal noong 2012. Naging napakasaya ng kasalang naganap.
- Latest