^

Punto Mo

May makulong sanang senador, kongresista at Cabinet official na umabuso sa pork barrel

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MALABONG matanggal ang pork barrel ng mga senador, kongresista at maging sa President kahit pa araw-araw magsagawa ng kilos-protesta.

Naninindigan ang Malacañang na kailangang higpitan lang ang sistema upang hindi maabuso at titiyakin na tama ang paggastos.

Pero anuman ang sistema sa pork barrel kahit higpitan likas na matinik na ang mga Pilipino at kaya itong imaniobra.

Sa kasalukuyang sistema, napakahigpit na kung tutuusin dahil ang mga mambabatas ang siyang magrerekomenda o magtuturo ng proyekto at ang implementing agency ang ma­ngangasiwa pero nalusutan pa rin at naabuso.

Ngayon ay magrerekomenda pa rin ang  mga mambabatas ng kanilang nais na proyekto pero dadaan na sa normal na proseso. Bawal na ang soft project lalo na ang pagbibigay ng pondo sa mga non-government organizations (NGOs).

Batay sa findings ng Commission on Audit (COA), mayroong senador at kongresista na sangkot sa pagmamaniobra ng pork barrel lalo na ang pagkakabigay ng pondo sa mga pekeng NGOs ni Janet Lim-Napoles.

Dapat siyasating mabuti ang mga opisyal ng implementing agency dahil hindi lulusot ang bogus na NGOs kung hindi nila pinahintulutan.

Dapat unang imbestigahan si Agriculture secretary Proseso Alcala, Budget secretary Butch Abad at mga ahensiya na may kinalaman sa transaksiyon at proseso sa paglalabas ng pork barrel.

Sa pagkakataong ito mananagot naman ang mga senador, kongresista at cabinet official na nakinabang sa pork barrel. Sana may makulong na senador, kongresista at Cabinet official upang magsilbing babala sa mga aabuso sa pondo ng bayan.

vuukle comment

BATAY

BAWAL

BUTCH ABAD

DAPAT

JANET LIM-NAPOLES

MALACA

PROSESO ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with