^

Punto Mo

Bayaw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG Pinoy na kararating pa lang sa Amerika ang inabot ng atake sa puso habang nagwi-window shopping sa New York City. Mabuti naman at may magagandang loob na nagmalasakit sa kanya at isinugod siya sa isang Catholic hospital. Pagmulat ng mata ay isang madre ang nagbabantay sa kanya. Pagkaraan ng ilang araw ay kailangan siya interbyuhin ng mga madre dahil may bayad ang ospital na kinaroroonan niya.

“May health insurance ka ba?” 

“Wala”

“May pera sa banko?”

“Wala rin.”

“May kamag-anak ka ba na puwedeng tumulong sa pagba­bayad sa ospital?”

“May kaisa-isa akong kapatid na matandang dalaga na narito rin sa Amerika, isa siyang madre.”

Napasimangot ang madre.

“Mister, huwag mong tatawaging matandang dalaga ang mga madre. Kami ay ikinasal sa Diyos.”

Nagliwanag ang mukha ng pasyente. “Kung ganoon, Sister, ipadala mo na lang ang aking bill sa aking bayaw.”

AMERIKA

DIYOS

MADRE

NAGLIWANAG

NAPASIMANGOT

NEW YORK CITY

PAGKARAAN

PAGMULAT

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with