^

Punto Mo

Lampong (382)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“K AY kuya nga ito!”

“SA kuya mo?’’

“Oo. Kilala ko ang sunglass niya. Madalas niyang suot kapag nagtutungo sa Maynila.’’

“Nasaan siya?’’

“Laging wala rito, yun. Ako naman laging nasa Maynila dahil nag-aaral pa ako. Hindi ko alam kung ano ang mga activity niya.’’

Napatangu-tango si Jinky.

“So wala siya rito nga­yon?’’ tanong ni Jinky at akmang tatayo na para umalis.

“Wala siya rito, Jinky. Nag-iisa nga ako rito ngayon. Paalis na rin ako mamaya patungong Maynila.’’

“E di sige ibigay mo na lang sa kanya yan. Sabihin mo nakita ko sa pampang ng sapa sa Bgy. Villareal.’’

‘‘Oo. Sasabihin ko sa kanya. Sasabihin ko, maganda at sexy ang nakakita at nag-aksaya ng panahon para maihatid dito.’’

Napangiti si Jinky. Napa­sulyap si Patrick sa mga hita ni Jinky. Kinipit ni Jinky ang hita. Nasiseksihan siguro sa kanya.

‘‘Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Kuya. Mula nang mamatay ang amin­g papa, hindi na kami ga­anong nagkakausap. Dito na nga siya sa Socorro naglagi.’’

Napatango na lang si Jinky.

‘‘Walang pang pamilya kasi kaya kung anu-ano ang ginagawa. Bakit kaya nasa pampang ng sapa ito. Baka namimingwit.’’

Hindi sinabi ni Jinky na naliligo ang kuya nito sa sapa. Kakahiya naman na malaman na pinanood niya ang paliligo.

“Sige, magpapaalam na ako. Ikaw na ang bahala, Patrick.’’

“Sige, Jinky. Ayaw mo bang uminom man lang kahit tubig. Kakahiya sa’yo.’’

“Hindi. Huwag na. Okey lang ako.’’

“Siyanga pala, kunin ko ang cell phone number mo. Patatawagan kita kay Kuya para siya ang magpasa­lamat sa’yo. Kakahiya naman kung hindi ka mapasa­lamatan.’’

Ibinigay ni Jinky ang number.

“Sige aalis na ako, Patrick.’’

“Salamat uli.’’

Tumalikod na si Jinky. Pero may napansin siyang kumilos sa may dako roon ng salas. Pero biglang nawala. May ibang tao yata?

Inihatid siya ni Patrick sa gate.

“Salamat Jinky,’’ sabi at nginitian siya nang matamis.

(Itutuloy)

 

AKO

JINKY

KAKAHIYA

KUYA

MAYNILA

OO

PERO

SALAMAT JINKY

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with