^

Punto Mo

Lampong (367)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG alin, Mulong?’’ Tanong ni Jinky.

“Ano po yang mga pantal sa braso mo at kamay Mam Jinky?’’

Nakahinga nang maluwag si Jinky. Akala niya, nakita ni Mulong ang beltbag na nasa plastic bag na kanyang bitbit. Hindi dapat makita ni Mulong ang beltbag.

“A etong pantal? Kinagat ako ng mga langgam habang nasa mga dumalagang itik?’’

“Bakit po?’’

Nag-imbento si Jinky. Hin­di dapat malaman ni Mulong na kinagat siya ng langgam habang may pinanonood na lalaking naliligo sa sapa.

“A kasi’y nasa isang puno ako nang may bumagsak na bunga. Tinamaan ako sa bra­so. E marami palang langgam ang bunga dahil hinog na hinog na. Ang sakit kumagat ng mga langgam.’’

“Ah baka puno ng uloy ang tinutukoy mo Mam Jinky. Yun po bang ang bunga ay kasinglaki ng kamao at ang balat ay parang sa langka?’’

Tumango agad si Jinky kahit hindi niya alam ang uloy na sinasabi ni Mulong.

“May langgam nga po ang uloy. Ang mga buto po ng uloy ang paboritong kainin ng mga dumalagang itik.’’

“Oo nga Mulong. Mara-ming langgam ang uloy. Nag­tatakbo nga ako palayo sa puno dahil maraming buma­bagsak na bunga.’’

“Panahon po kasi pagbu-nga ng uloy ngayon. Tuwang-tuwa po ang mga dumalaga dahil paborito nila ang buto ng uloy.’’

“Oo nga Mulong.’’

“Akala ko po kasi e kung ano na ang nangyari sa iyo Mam Jinky.’’

“Wala naman, Mulong. Madali lang namang mawala ang mga kagat ng langgam.’’

Napatangu-tango si Mulong.

‘‘Sige Mulong at pupunta na ako sa bahay. Kung may kailangan ka, e tawagan mo ako sa cell phone. O kaya tawagan mo si Tina.”

“Wala na po akong kailangan, Mam.’’

“Salamat, Mulong.’’

Pero nang aalis na si Jinky biglang may tinanong si Mulong, â€˜â€˜E Mam Jinky, kailan po darating si Sir Dick?’’

Hindi nakasagot si Jin-ky. Napatingin kay Mulong at saka tumungo. Pero makaraan ang ilang saglit ay nagsalita rin.

“Hindi ko alam, Mulong…’’

“Salamat po Mam.’’

Umalis na si Jinky.

Pagdating sa bahay, de­ retso siya sa kanyang ku­warto. Naghubad ng damit. Nagtapi ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Naalinsanganan siya. Parang tinutupok ang kanyang katawan.

(Itutuloy)

vuukle comment

E MAM JINKY

JINKY

LANGGAM

MAM JINKY

MULONG

OO

PERO

SIGE MULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with