^

Punto Mo

Dalawang mukha ng buhay

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Ang mabuhay ngayon sa ating daigdig

Mayr’ong maligaya at may nananangis;

May mga mayamang sa dusa ay tigib

At may mga dukhang masaya ang langit!

 

Isang halimbawang dito’y babanggitin

Sinapit ng buhay ni Donya Isabel;

Noon ay sagana nang buhay si mister

Pumanaw si mister, raket naglaho rin!

 

Sa tapat ng bahay ng mayamang donya

Mag-asawang hirap doo’y nakatira;

Dahil sa mabait matapat sa kapwa

Tumama sa lotto at milyonaryo na!

 

Ang saya at lungkot laging magkatapat

Ang mayama’y dukha sa ligayang hangad;

Itong mga dukha sa ligaya’y sagad

Sapagka’t maswerte naging mga anak!

vuukle comment

DAHIL

DONYA ISABEL

ISANG

ITONG

MAYR

PUMANAW

SAPAGKA

SINAPIT

TUMAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with