^

Punto Mo

‘Polygamous Male’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKABABAHALA ang patuloy na paglobo ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa bansa bunsod ng pakikipagtalik partikular ng mga lalaki sa kanilang kapwa lalaki o ‘yung tinatawag na men who have sex with men (MSM)!

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), limang porsyento sa halos 700,000 lalaki ay nakikipagtalik sa kanilang kapwa lalaki, habang ang 30 porsyento naman dito ay pawang mga kasal na at nakikipagtalik din sa kanilang mga asawang babae!

Hindi na bago sa BITAG ang ganitong isyu ng kalaswaan at kababuyan!

Katunayan, nitong 2011, muling sinuyod ng BITAG ang dalawang malalaswang sinehan sa Quezon City, ang Alta Cinema sa Aurora Cubao at D’Square sa Novaliches. Pawang mga lungga at kuta ng mga bisexual, gay at transgender individual.

Lingid sa kanilang kaalaman, ito ang mitsa ng kanilang kalbaryo at pagdurusa oras na maging positibo sila sa HIV!

Sa pagtaya ng DOH, limang kaso ng HIV ang maitatala sa bansa oras-oras o 101 kaso araw-araw. Posible ang estatistikang ito!

 Hangga’t mayroong mga sinehan o mga may-ari ng mga lugar na kukunsinti sa ganitong mga kalaswaan, taas pa ang bilang ng HIV cases sa bansa!

Hangga’t mayroong mga nananamantalang awtoridad na puprotekta sa mga pugad ng kalaswaan kapalit ang mga butaw at payola, hindi matutuldukan ang ganitong imoralidad!

Nililinaw ng BITAG, hindi ko layunin na manakit, manapak o man-discriminate ng kasarian dito! Ang  tanging punto ng BITAG ay paalalahanan ang publiko patikular ang mga sexually active­ na maging maingat sa inyong mga kinakasama o partner!

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

vuukle comment

AURORA CUBAO

DEPARTMENT OF HEALTH

HANGGA

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

KALAW HILLS

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with