^

Punto Mo

Mouse at keyboard mawawala na rin?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

DARATING ang panahon na mawawala na rin sa sirkulasyon ang mga mouse at keyboard na kabilang sa pangunahing piyesa sa paggamit ng computer.

Nagbibigay na rin ng ganitong sen­yales ang pagkakauso ng touch screen na bukod sa desktop computer ay ginagamit na rin sa mga makabagong smartphone at maging sa mga tablet at iPad. Sinasalat na lang o hinagod o hinihipo ang screen ng computer para magamit ito. Sa laptop nga, ipinalit doon sa mouse na korteng daga (dahil sa hugis kaya ganito ang pangalan) iyong touchpad. Permanenteng naka-kabit sa katawan ng laptop ang touchpad na hindi tulad ng mouse na nasa labas ng isang desktop computer at  meron pang “mahabang buntot” na kuneksyon sa computer. May pagkakataon nga lang na may mga laptop na nasisiraan ng touchpad at, dahil medyo may kamahalan, may mga gumagamit na lang ng nakalabas na mouse (salamat sa USB).

Gayunman, para sa isang kompanya sa Amerika na Leap Motion, baka tuluyan nang mawala ang mouse at keyboard. Ito ay makaraang likhain nila ang isang gesture-controlled device na ikinakabit sa computer sa pamamagitan ng USB cable. Sa pamamagitan daw nito, mapapagalaw ang alin man sa computer sa pamamagitan ng galaw ng mga daliri at kamay. Siguro, sa isang kumpas ng kamay, mabubuksan mo na ang iyong Facebook  account at sa bawat galaw ng mga daliri ay makakapag-“share” at “like” ka na. Mas malaki raw ang gamit nito kapag nagdodrowing at nagpipinta ka pero meron namang pumupuna na mas nagagamit lang ito sa mga games.

Ang device ay gumagamit ng tatlong near-infrared LEDs (light emitting diodes) na umiilaw sa kamay ng isang tao bago gumamit ng  dalawang  CMOS (complementary metal-oxide-semiconductor) image sensors para makuha ang malinaw na imahe ng mga galaw ng tao.

Pero, sabi naman ng ibang computer manufacturer, duda sila na mawawala ang mouse at keyboard sa ginawang ito ng Leap Motion. Maraming taon pa ring kakailanganin ng mga coder ang keyboard at mouse. Bukod dito, nakakapagod din at nakakaasiwa na ikinukumpas nang matagal ang mga kamay at daliri sa harap ng computer.

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na [email protected])

 

AMERIKA

ANUMANG

BUKOD

COMPUTER

FACEBOOK

LEAP MOTION

MOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with