^

Punto Mo

Makina ng Apollo 11 natagpuan sa ilalim ng dagat

- Arnel Medina - Pang-masa

NOONG Hulyo 24, 1969 matagumpay na nakabalik sa Earth ang tatlong Apollo 11 astronauts na sina Neil Armstrong, Edwin Aldrin Jr. at Michael Collins mula sa apat na araw na Moon explo­ration. Nagtungo sila sa Buwan noong Hulyo 16, 1969 at nakarating doon ng Hulyo 20.

Apatnapu’t apat na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang makasaysayang moon landing pero bihira ang nakaaalam na ang makina ng Apollo 11 spacecraft ay nawala at kamakailan ay natagpuan sa pusod ng dagat Atlantic.

Ang nakatagpo ng makina ay ang team ng Amazon na nagsasagawa ng pagrekober ng technological treasures mula sa Atlantic. Hanggang sa isang makina ang kanilang natagpuan.

Noong una ay hindi sila maniwala sa nakuhang makina pero nang maiahon ito at inspeksiyuning mabuti, nakumpirma na ito ay mula sa Saturn V rocket na sinakyan nina Armstrong at Aldrin patungo sa Buwan. Sabi ni Amazon CEO Jeff Bezos, wala silang alinlangan na ang nakuhang bahagi ng makina ay mula sa Apollo 11. Masusi nilang sinuri ang makina at nang ma-verified, iyon nga ang bahagi ng makina ng Apollo na nagdala sa mga astronauts sa buwan, 44 na taon na ang nakararaan.

Ayon pa kay Bezos, narekober nila ang isang mahalagang  bagay na may kaugnayan sa makasaysayang pagtapak sa buwan.

 

APATNAPU

BUWAN

EDWIN ALDRIN JR.

HULYO

JEFF BEZOS

MAKINA

MICHAEL COLLINS

NEIL ARMSTRONG

SATURN V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with