^

Punto Mo

Huwag tulungan ang drug courier

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NARARAPAT nang reb­yuhin ng gobyerno ang patakaran sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino na masasangkot sa pagdadala ng iligal na droga. Ito ay may kaugnayan sa isang Pinay drug courier na nahatulan ng kamatayan sa China. Sinisikap ng gobyerno na sagipin ang Pinay sa parusa.

Parang kinukunsinti ng gobyerno ang pagkakasangkot ng Pinay sa iligal na droga dahil pilit isinasalba sa kamatayan. Labingwalong beses nagbiyahe ang Pinay na may dalang drug sa China at sa ika 18 biyahe, saka siya naaresto. Kung hindi nahuli ang Pinay, gaano karaming droga ang dadagsa sa merkado at gaano karami ang mabibiktima.

Si Vice President Jejomar Binay ay nagpunta sa China upang iapela na huwag ituloy ang pagbitay sa Pinay. Natural lang na maging masigasig si Binay dahil may ambisyon siyang maging Presidente. Kung si Binay ang tatanungin, nais niyang ibuhos ang effort ng gobyerno para isalba ang Pinay. Ikinakatwiran nito na kababayan natin ang Pinay at dapat tulungan.

Okey lang kung sa sariling bulsa ni Binay ang gastusin sa pagbiyahe sa China pero galing iyon sa tax payers. Sana nilaan na lang ito sa mga Pilipinong manggagawa na minaltrato sa kanilang trabaho.

Nararapat maglabas ng patakaran ang gobyerno sa lahat ng Pinoy na kung masasangkot sila sa iligal na droga sa abroad ay walang maaasahang tulong mula sa gobyerno. Sa pagkakaalam ko, Pilipinas lang ang madalas umapela at gumawa ng hakbang para maisalba ang kababayan na napatawan ng parusa sa drugs. 

Dito sa Pilipinas kapag mayroong Chinese national na nahatulan ng korte dahil sa illegal drugs, walang maririnig mula sa Chinese government na nais nilang isalba ito sa kaso.

Ipaubaya na lang sa kanilang gobyerno ang pagpaparusa sa mga mapapatunayang nagkasala sa batas at tiyakin lang na hindi nasagkaan ang kanilang karapatan bilang akusado.

BINAY

DITO

GOBYERNO

IKINAKATWIRAN

IPAUBAYA

PILIPINAS

PINAY

SI VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with