^

Punto Mo

‘Kandado’ (Part 8)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HALOS nakanganga lahat ang mga lalaking nanonood nang ilantad ng babae sa stage ang tindang “tahong”. Tumagal nang may sampung segundo marahil ang pagtitinda ng “tahong” at maski kami ni Darwin ay wala ring kurap na nakatingin sa “tahong”. Hindi ko lang alam kung sariwa o bilasa na ang tahong.

Hanggang sa unti-unting magsara ang telon. Marami sa mga nanonood ang napabuntunghininga at nanghinayang—bitin ang pagkakapanood sa “tahong”.

Pagkatapos ng happy hour ay umuwi na kami ni Darwin. Habang nakasakay kami sa taksi ay paulit-ulit na sinasabi ni Darwin na babalik siya roon para masilayan muli ang tahong.

“Sama ka uli, Virgil?” tanong sa akin.

“Bahala na Darwin.”

“Bukas pupunta uli ako—sarap manood!”

“Bahala na bukas.”

KINABUKASAN, bago mag-alas-singko ay tinawagan ako ni Darwin sa opis.

“Ano Virgil, sama ka?”

Hindi ako makasagot. Para bang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

“Ano Virgil? Alas-singko na. Masarap uminom nang malamig na beer at saka crispy pata. Tapos may bubukaka.”

Nagtawa ako.

“Sige na nga!” sabi ko.

“Hindi mo matiis ang tahong ha?”

“Kinakabahan kasi ako Darwin.”

“Bakit?”

“Baka mag-raid ang mga pulis e damay tayo.”

“Walang magre-raid dun. Malaki ang lagay sa pulis.”

(Itutuloy)

KANDIDATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with