Yang, mabubulok sa kulungan!
KATAKUT-TAKOT na kaso ang ibinabato kay Jianxin Yang, ang kapatid ng drug lord na si Michael Yang, at mukhang magkatahid na s’ya sa bilangguan. Kung sabagay, noong nakalipas na mga panahon, puro grasya naman ang pumapasok sa bulsa ni Yang. Dahil pinasok n’ya ang magulong sistema sa kanyang negosyo, inabot ng sunud-sunod na kamalasan si Yang. Bilog talaga ang mundo, no mga kosa?
Sinabi ni PAOCC Undersecretary Gilberto Cruz na halos magkaparehas ang modus nitong sina Yang at Guo Hua Ping, na kilala ring Alice Guo, ang ex-mayor ng Bamban, Tarlac na nasa likod ng POGO operations sa naturang lugar. Idinagdag pa ni Cruz na si Guo ay sangkot sa pamemeke at kuwestiyonableng civil documents. Araguyyy!
Idinagdag pa ni Cruz na ang pag-aresto kay Yang ay angkop sa tuluy-tuloy na kampanya ng PAOCC laban sa identity manipulation at corporate fraud. “The arrest is more than just the capture of an individual. It’s about holding people accountable, no matter how deep their ties of how many names they use,” ani Cruz. “We are determined to protect the integrity of our systems and institutions from those who abuse them,” ang dagdag pa ni Cruz. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Itong si Yang mga kosa ay inaresto noong September 19, 2024 sa NAIA Terminal 3 bunga sa immigration violations. Subalit sa paghalungkat sa kanyang background ng PAOCC, Bureau of Immigration, AFP at PNP Aviation Security Group natuklasan na si Yang ay sangkot sa corporate at identity fraud.
Si Yang ay gumagamit ng mga alyas na Antonio Lim, Tony Lim at Tony Yang. Gamit ang pangalang Antonio Maestrado Lim, si Yang ay nakapag-set up ng 12 corporate companies sa Cebu, Davao at Cagayan de Oro City, kasama na dito ang malls, rice mills at steel plant.
Nakumpiska sa kanya ang mga pekeng IDs, firearm licences, P1.4 milyon cash at iba’tibang contraband items. Kaya naman nakakapagpatayo ng kung anu-anong negosyo si Yang noong nakalipas na mga panahon dahil ang kanyang kapatid na si Michael Yang ang economic adviser ni Tatay Digong. Tsk tsk tsk! Dinaan sa impluwensiya, ‘no mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Si Yang ay kasalukuyang nakakulong sa PAOCC temporary custodial facility nung arestuhin ng police team na pinangunahan ni Col. Joselito de Sesto, ang hepe ng Pasay City police. Ang pagkaaresto kay Yang ay alinsunod sa arrest warrant na inilabas noong December 22, 2024 ni Judge Eleauteria Apdian Badoles-Algodon ng Cagayan de Oro MTC Branch 2 sa kasong falsification of public documents, perjury, at violation of the Alias Law.
Si Yang ay na turned over sa custody ng Pasay City Police for booking at documentation. Kapag nakapag-post na s’ya ng kaukulang bail, si Yang ay ililipat sa kustodiya ng Bureau of Immigration kung saan s’ya ay nakaharap sa immigration offenses. Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kung malungkot si Yang sa darating pang mga araw ay sa paangambang baka may susulpot na namang arrest warrant laban sa kanya. Itong PAOCC naman mga kosa ay patuloy pa ding nag-momonitor sa mga guerilla POGO operations sa Pinas kahit iniutos na ni President Bongbong Marcos na isara ito noong Disyempre.
Kaya sa mga tiwaling POGO operations d’yan, tatamaan kayo ng latigo ni Cruz kapag hindi kayo tumigil. Ganun na nga! Abangan!
- Latest















