Tips Pangkalusugan
Kapag papasok o lalabas ng bahay, gamitin ang front door kaysa kitchen door. Ang taong laging dumadaan sa kitchen door ay lumalaki ang kain ng 15 percent kaysa mga taong hindi dumadaan sa kitchen door.
Nakaka-produce ng natural salicylic acid ang katawan kung laging kakain ng prutas at gulay ang isang tao. Ang salicylic acid ay ingredient sa aspirin at gamot sa pain reliever. Imagine, kung may salicylic acid ka sa katawan, maiiwasan mo na ang headache at pamamaga sa ibang parte ng katawan na nagdudulot ng “painâ€.
Ang buntis o inang nagpapasuso na mahilig kumain ng junk foods ay malaki ang posibilidad na ang anak ay magka-diabetes, tumaas ang cholesterol at blood fat; maging tabatsoy.
Honey at maligamgam na tubig: Uminom araw-araw ng isang kutsarang honey na inihalo sa isang tasang mainit na tubig. Normally, may natutulog na fat sa ating katawan. Palibhasa ay hindi nagagalaw, ang tendency ay maipon ang fat na ito na nagiging cause ng obesity. Ang trabaho ng honey ay buwagin ang natutulog na fat. Kapag nabuwag na ang fat, madali na itong matutunaw sa pamamagitan ng exercise at pang-araw araw na pagkilos habang nagtatrabaho. Dito magsisimula ang unti-unting pagbawas ng timbang.
Honey, lemon/calamansi at maligamgam na tubig: Kung kaya ng sikmura ninyo, inumin ang mainit na honey with lemon nang walang laman ang tiyan tuwing umaga.
Honey, cinnamon powder at maligamgam na tubig: Paghaluin ang isang kutsarang honey, isang kutsarang cinnamon powder at isang tasang maligamgam na tubig. Inumin ang mixture nang walang laman ang tiyan.
- Latest