^

Punto Mo

Cash grabs: Social media scam

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA sa mga “pros” o positibong aspeto ng social net­working sites ang komunikasyon at koneksyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa papaunlad pang teknolohiya, lumalawak ang ginagampanan nitong papel sa buhay ng tao partikular sa pakikipagtalastasan araw-araw.

Pero, kuwidaw ka!  Pinamumugaran at minamanipula pang lalo kasi ng mga cybercriminal ang mga “in” na social net­working site sa internet gamit ang mga mapanlinlang na “pros” sa kanilang mga hokus-pokus!

Gasgas na sa mga netizen o mga aktibong gumagamit ng internet ang iba’t ibang modus operandi sa cyberspace. Pero sa kabila ng mga babala at All Points Bulletin ng mga awtoridad at media, marami pa rin ang mga nabi-BITAG ng mga sindikato!

Si Abigail, isang registered nurse, nabiktima ng nagpakilalang “Helen S. Page” sa social networking site yahoomail.

Dala ng kakapusan at kawalan ng trabaho, hindi na umano nagdalawang isip ang biktima sa alok na trabaho sa Bay Hospitals sa Australia. Dahil mukha naman daw lehitimo ang laman ng electronic mail, na-BITAG si Abigail at nagoyong magbayad ng P4,000 application fee sa pamamagitan ng money transfer.

Ayon kay Abigail, hindi na s’ya kinontak ng mga putok sa buhong nagtatago sa pangalang “Helen S. Page” na umano’y isang working visa interview coach na nandito sa Pilipinas. Huli na nang makumpirma ng biktima na bogus ang office address na sinasabi ng sindikato gayundin ang job offer, visa coaching at iba pang mga boladas sa e-mail!

Binabalaan ng BITAG ang publiko partikular ang mga naghahanap ng oportunidad sa labas ng bansa. Marami pang mga modus operandi ang maglilitawan sa social networking sites!

Iniiba-iba lang ng mga dorobo ang estilo at estratihiya ng kanilang hokus-pokus para madali silang maka-BITAG ng mga pobreng indibidwal.

Maging matalino at paladuda sa mga transaksyon sa social networking sites. Huwag agad  magtitiwala. Kung hindi sigurado sa mga impormasyon, mabuting kUmunsulta muna sa mga kakilala at mga ahensyang may kaugnayan sa iniaalok, upang hindi maisahan ng mga sindikato!

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

ALL POINTS BULLETIN

BAY HOSPITALS

HELEN S

KALAW HILLS

PERO

QUEZON CITY

SI ABIGAIL

SYJUCO BLDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with