^

Punto Mo

‘Mam, Senior ka na?’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAIIRITA ako kapag tinatawag akong “nanay” ng tindera sa palengke o ng drayber ng traysikel na sinasakyan ko. Sa aking pagkakaintindi, ang “nanay” dito sa Metro Manila ay ginagamit na panawag sa mga senior citizen o pamalit na tawag sa lola. Kapag pala nasa singkuwenta anyos ka na pataas, nagiging mapili ka na sa itatawag sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo. Okey lang kung ate o manang ang itawag sa akin. Pero ginagantihan ko ng pabulong na “ulol” ang mga taong tumatawag sa akin ng nanay.

Minsan ay nagpunta ako sa banko dahil sa isang mahalagang transaction. Pero napaurong ako sa sobrang dami ng tao. Halos mapuno ang maliit na kuwarto ng banko dahil nagkataong sa banko rin na iyon nagbabayad ng tuition ang mga estudyante mula sa isang pampublikong unibersidad. Nagtanong ako sa guwardiya  kung saang cubicle ako makikipag-transaksiyon. Tumingin sa akin ang guwardiya, saka nagtanong: “Mam, senior ka na? May special lane kasi sa mga senior para hindi na sila pumila.” Magalang ang pagtatanong ng guwardiya. At sa aking pagtataka…hindi ako nairita sa tanong. In fact, napahagikgik pa ako kasabay ang pagtawa ng aking mister. Naging comedy ang “question and answer portion”  kaya napatawa na rin ang guwardiya.

Nagmamadali ako nang araw na iyon kaya naisip kong magpanggap na senior, kaya ang sabi ko sa guwardiya: “Sa pagkakataong ito na nagmamadali ako, payag na akong maging senior citizen.”

“Mam, hindi ka paniniwalaan ng teller. Ang bata-bata mo pa para maging senior. Binibiro lang kita kanina.”

Nakita kong uugod-ugod  at puti na ang mga buhok ng ilang senior citizen na nasa special lane. Nakakahiya kung doon ako makikipila. Halatang lumulusot lang ako. Tapos, bigla kong naalala na nakalagay nga pala sa bitbit kong ID na ipiprisinta sa teller ang aking birthday. Buti na lang at hindi ko itinuloy ang aking maitim na balak na mandaya sa pila. Naisip ko, honesty is still the best policy, kahit sa gipit na sitwasyon.

             

vuukle comment

AKO

BINIBIRO

BUTI

HALATANG

KAPAG

METRO MANILA

PERO

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with