^

Punto Mo

Antigong Santo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NALUNGKOT ang isang magsasaka dahil ang anak niya ay isa sa napagbintangang nagnakaw ng antigong santo na yari sa ginto ang ulo. Nagpapalitan lamang sila ng liham upang magkumustahan. Isang liham ang ipinadala ng ama sa kanyang anak:

“Anak, nalulungkot ako at wala akong makakatulong ngayon sa pagbubungkal ng lupa. Simula na ngayon ng pagtatanim ng kamatis. Mahina na ang aking katawan at hindi ko na kayang magbungkal ng lupa. Plano kong magrenta ng traktora para gamitin sa pagbubungkal. Dumadalangin akong mahuli na ang tunay na magnanakaw upang makasama na kita.”

Karakarakang sinagot ng anak ang liham ng kanyang ama.

“Tatay, huwag na huwag mong ipabungkal ang lupa. May ibinaon ako diyan. Delikadong  matamaan ang antigong santo ng traktora at ito ay mabasag.”

Pagkaraan ng ilang oras ay may mga pulis na nagsuguran sa bahay ng magsasaka. May bitbit ang mga ito ng search warrant para hanapin ang antigong santo na di umano’y nakabaon sa lupa.  May kasama silang sampung matitipunong lalaki na inutusang magbungkal ng lupa. Natapos ang pagbubungkal ng lupa pero walang nakitang antigong santo. Sumulat na muli ang anak sa kanyang ama.

“ Tatay, alam kong nabungkal na ang lupa. Puwede ka nang magtanim. He-he-he, hayan, pinagbintangan nila ako. Dapat lang na sila ang gumawa ng trabahong ako sana ang gagawa.”

Sa kabutihang palad, ang anak ay napalaya dahil nahuli ang tunay na magnanakaw.

 

ANAK

DAPAT

DELIKADONG

DUMADALANGIN

ISANG

KARAKARAKANG

LUPA

MAHINA

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with