^

Punto Mo

Practical Tricks & Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Pakintabin ang kumupas na silver:

Maglatag ng aluminum foil sa inyong lababo. Bago ka maglatag, siguraduhing may takip ang sink drainage. Iha­nay ang lahat ng kumupas na silver kitchen utensils at jewelries.

Magtimpla ng  pinaghalong 1/2 cup na rock salt + 1/2 cup baking soda + tamang dami ng mainit na tubig upang pagbabaran  ng alahas at kitchen utensils. Haluin mabuti.

Ibuhos sa lababo na kinalalagyan ng mga silver. Hayaang nakababad ng 30 minutes.

Lemon Grass

Mainam na magtanim ka nito sa mga paso. Hindi lang ito masarap na sangkap sa pagluluto kundi pampalayas din ng lamok. Nagtataglay ito ng citronella oil at may amoy na lemon. Ayaw ng amoy lemon ng mga lamok.

Mas mainam na nakatanim ito sa paso para kung saang parte ng bahay malamok, mabilis na maililipat ang halaman.

Pine Sol

Ayaw ng mga langaw sa amoy ng Pine Sol. Timplahan ito ng tubig. 1 cup water + 1 cup Pine Sol. Ilagay sa spray bottle. Ispreyan ang mga lugar na tinitigalan ng langaw.

Tilamsik ng mantika sa pader

Para matanggal ang bakas ng mantika sa pader, punasan ito ng basahan na may nakabudbod na cornstarch. Kung hindi pa rin matanggal, muling budburan ang basahan ng cornstarch at ulitin ang pagpupunas.

 

AYAW

HALUIN

HAYAANG

IBUHOS

IHA

ILAGAY

LEMON GRASS

PINE SOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with