Practical Tricks & Tips (2)
7. Kumain ng saging kapag nalulungkot. Nakakapagpalabas ito ng dopamine sa utak. Ito ang chemical sa ating utak na nagiÂging dahilan para makadama tayo ng saya.
8. Upang magmukhang mahaba ang iyong isusumiteng written report sa school, gumamit ng 12 point sa text pero 14 point sa period at comma.
9. Kapag sa microwave ire-reheat ang pizza, maglagay ng isang basong tubig sa tabi nito upang hindi kumunat ang dough.
10. Pahiran ng cooking oil ang kutsilyo na ipanghihiwa sa sibuyas upang hindi lumuha.
11. Para hindi maglasang luma ang cookies, lagyan ang cookie jar ng isang pirasong loaf bread.
12. Upang maiwasan ang pagtubo ng tagihawat, laging magpalit ng bagong labang punda ng unan.
13. Magpagupit isang araw bago mag-aplay ng driver’s license. Anong kuneksiyon? Kung maganda ang gupit, yung picture mo sa lisensiya ang lagi mong ipapakita sa iyong hair stylist para tularan.
14. Kung may job interview, puntahan na ang address bago dumating ang petsa ng interview upang maiwasan ang problema ng pagkaligaw na magiging sanhi ng tardiness.
15. Hindi mabuksan ang takip ng garapon? Buhusan ito ng mainit na tubig para lumuwag ang kapit.
16. Natuwa ako sa isang ito kaya isinama ko rin kahit applicable lang sa lugar na may snow. Kung bibili daw ng bahayÂ, piliin ang malapit sa eskuwelahan dahil mga kalye na may nakatayong eskuwelahan ang inuuna ng gobyerno na tanggalan ng mga namuong snow sa kalsada. (Itutuloy)
- Latest