^

Punto Mo

Paano magpalaki ng anak? (2)

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

KARUGTONG ito noong lumabas noong Lunes.

4. Maging kuntento. Simple lang, ang kuntentong magulang ay makapagpapalaki ng mga kuntentong bata. Ang sinasabi ni Templar, ang mood mo bilang magulang ay napakahalaga sa pagpapalaki ng mga anak. Huwag masyadong magpaapekto sa mga komento ng iba kung hindi ka naman kumportable sa sinasabi nila. Kung saan ka palagay, doon ka.

5. Maaaring labagin ang anumang rule. Aminin na natin, hindi laging madaling sumunod sa mga tuntunin. At hindi tayo dapat malungkot, magalit at manlumo kung minsan ay kailangang masuway ang mga ito lalo na kung maliliit na bagay lang naman. Ang hindi pagkain ng chichirya minsan okay lang naman; ang isang oras ng panonood ng TV okay lang kapag sumobra kung dalawa naman kayo ng anak mong nanonood; ang minsang paglampas sa bedtime dahil nasa family dinner o outing kayo. Okay lang na hindi palaging masunod ang mga batas natin.
6. Huwag subukang gawin ang lahat. Sa dalawang taong pag-aalaga ko kay Gummy, nasubukan ko nang maging all-around -- nag-aalaga, nagbebake, nag-aartista, naglilinis ng bahay, nagsusulat, at iba pa. Pero dumating sa panahong na-burn out ako at nagkasakit. Napahinga ng isang linggo at tinamad ng sobra at ni ayaw gumalaw kahit kaunti. Gusto ko lang nakahilata sa kama at nakatunganga. Masama ang sagarin ang iyong katawan at lakas. Ang hindi maiiwasang resulta ay pagka-burn out. Gayon din sa iyong anak. Gusto nating mga magulang na masubukan nila ang lahat ng bagay, activities, sports, para malaman kung nasaan ang kanilang interes at lakas. Ngunit hindi rin healthy kung araw-araw ay may naka-schedule sa kanila at tila walang window upang umupo lang at manood ng TV, mamasyal sa grocery, maglaro sa park, magtampisaw sa swimming pool, magbukas ng ref at mag-eksperimento ng kaunti. Hindi rin maganda na laging may schedule at walang breathing space ang anak upang mag-explore ng kanya. Payo ni Richard Templar, limitahan sa dalawang uri ng activities lamang kada linggo. Kung may nais na idagdag, kailangang magbawas sa isa sa dalawa para dalawa lamang talaga. Let kids be kids. Hayaang enjoyin nila ang oras na sila ay bata at wala pang responsibilidad.
7. Hindi kailangang sundin ang lahat ng payo. Totoo ito lalo na sa mga first time parents na tulad ko. Dahil nga wala akong masyadong alam, nagtatanong ako sa mga kapamilya, kaibigan, katrabaho. At mula rito ay samu’t saring advice ang aking nakukuha to the point na nakakahilo at nakakalito na. Hindi ko alam kung sino ang susundin at ano ang talagang gagawin. Well, hindi naman sila dapat sundin, hindi lahat ng sasabihin ay dapat sundin. Dahil mababaliw ka! Dahil hindi lahat nang gumana sa iba ay gagana rin sa iyo. Ikaw ang dapat nag-eexplore kung anong method ang bagay sa iyong personalidad at kung saan ka kumportable.

 

 

AMININ

DAHIL

GAYON

HAYAANG

HUWAG

KUNG

LANG

RICHARD TEMPLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with