Tag-init, tagsakit
NGAYONG tag-init, kahit sino ay maaaring dapuan ng mga sakit, lalo na ang mga bata. Ang dalawa sa mga pinaka-karaniwang sakit ngayon ay ang amoebiasis at lisa.
Ang amoebiasis ay sanhi ng protozoang tinatawag na Entamoeba Histolytica. Ito ay nakukuha dahil sa maruming tubig at pagkain. Kahit mga gulay ay maaari ring pagmulan ng Amoebiasis kaya dapat dalasan ang paghuhugas ng kamay. Sa bituka umaatake ang amoeba at maaari ding kumalat sa ibang organs.
Ang mga senyales nito ay diarrhea at pananakit ng tiyan. Maaaring magkaroon ng dugo sa dumi. Minsan ay may kasama ring mataas na lagnat. Matutukoy ang Amoebiasis sa pamamagitan ng stool examination.
Maiiwasan ito sa paglilinis ng mga kamay lalo na kung maghahanda ng pagkain. Laging magÂhugas ng kamay ang mga bata pagkatapos maglaro. Dapat din ay malinis ang tubig na iinumin. Ang lisa bagamat hindi naman delikado ay nakahahawa at nakakairita. Ang mga kagat nila, kahit pa maliliit lamang ay nagdudulot na mangati ang ulo at siyempre kapag kinamot nang kinamot ng bata ay baka magsugat at magkaimpeksiyon.
Dapat laging sinisipat ang ulo at anit ng mga anak. Itlog pa lamang ay dapat matanggal na ang mga ito. Maliliit na dilaw o brown ang kulay nila at malapit sila sa mismong anit dahil doon pinakamainit at pinakamasarap sa kanila bago sila lumabas sa kanilang shells. Ang mga itlog ay mukhang balakubak ngunit hindi sila basta maaalis ng pagsusuklay.
Madalas ito sa mga bata na edad na tatlo hanggang 12. Bagamat hindi tumatalon ang lisa, maÂtindi naman ang kapit nito sa buhok at maaaring gumapang sa mga gamit at doon malipat papunta sa ulo ng iba. Huwag manghihiram ng personal na gamit lalo na ng suklay at tuwalya, bandana at maging clip at tali sa buhok. Alamin din kung mayroon sa mga kaklase o kalaro ng anak mo ang may lisa para maihiwalay muna ang anak mo.
Shampoo at head lotions and pangunang lunas upang matanggal ang mga lisa. Bagamat hindi kaagad mawawala ang pangangati. Maaari ring gumamit ng suyod kung nais silang isa-isahing tanggalin. Mas mabisa ang manual na paraan kung basa ang buhok dahil hindi gumagalaw ang lisa kapag ganito at may conditioner upang mas madulas ang pagsusuklay.
Sundan ako: twitter at instagram: @abettinnacarlos
- Latest