^

Punto Mo

Ang asawa ng serial killer (1)

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Judith Mawson na ang kanyang asawang si Gary Ridgeway ay isang serial killer. Nalaman niya na 70 tao ang napatay ni Gary. Ipinagtapat mismo ito ni Gary, dalawang taon matapos itong maaresto at makulong. Si Gary pala ang tinaguriang “Green River Serial Killer”

Hindi siya makapaniwala sapagkat 13 taon silang nagsama ni Gary at perfect ang kanilang pagsasama. Maligaya sila. Madalas siyang patawanin ni Gary. Isang perfect husband si Gary.

Nagkakilala sila ni Gary sa isang bar. Mabait, guwapo, may ma­gandang trabaho at perpektong suitor si Gary. Nagkaibigan at nagpakasal sila. Kahit kasal na, madalas pa ring puntahan ni Gary ang bahay nito na umano’y pinarerenyahan niya.  Wala siyang hinala na mayroong murderous habits si Gary.

Minsan nagtungo siya sa bahay ni Gary at nagtaka siya nang makitang walang carpet ang bahay nito. Wala ring kutson ang kama at pawang nakakalat. Sabi ni Gary, sinira ng tenant ang carpet at kinuha ng girlfriend nito ang kutson. Naniwala siya kay Gary.

Pero nalaman ni Judith na kaya pala walang carpet ay dahil sadyang inalis para hindi makita ang dugo. Pawang dugo ng mga biktima nito, Pati kutson ay maraming dugo.

Hanggang sa malaman niya ang katotohanan na isa pala itong serial killer. Hindi niya matanggap noong una. Nalulong pa siya sa alak at pills. Pero nakabawi rin si Judith. Natanggap din niya ang lahat. (listverse.com)

vuukle comment

GARY

GARY RIDGEWAY

GREEN RIVER SERIAL KILLER

HANGGANG

IPINAGTAPAT

JUDITH MAWSON

PERO

SI GARY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with