Lampong(239)
HUMANGA si Dick sa tapang ni Jinky. Hindi niya akalain na ganito pala katatag si Jinky kapag binantaan. Lalaban talaga. Bihira ang ganitong babae. Ang alam niya sa babae ay hindi marunong lumaban at hinahayaan na lang kung ano ang mangyari. Kagaya ng mga babaing “nilampong’’ niya na walang nagawa nang sabihin niyang ayaw niyang magpakasal o kaya’y magkaroon ng anak. Istorbo lang ang pagpapakaÂsal at pagkakaroon ng anak. Lahat nang babaing naka-relasyon niya maliban kay Puri ay walang nagawa kundi ang tumiklop. Kinawawa niya ang mga babae na minahal siya nang labis.
Kakaiba si Jinky. NakaÂhihigit siya. At ang mga piÂnakita ni Jinky ay lalo lamang nagpa-baga sa nararamdaman niyang pagmamahal dito. Totoo na ito at wala nang maaaring makapagpabago sa nadarama niyang pagtatangi kay Jinky. Kailangan niya si Jinky para maging kasama sa buong buhay.
Madalas na nakikita ni Dick si Jinky sa siwang ng pinto. At lagi niyang napapansin ang baril na nasa baywang nito. Kahit saan marahil magtungo ay laging nakasukbit ang baril. Nakahanda sa anumang gagawin nina Pac at Momong.
Hanggang gumabi nakita ni Dick na hindi umaalis sa salas si Jinky. Nawala lamang sa paningin niya si Jinky sa oras ng pagkain. Tinawag ni Tina para kumain. Hindi na niya nakita. Maagang natulog. Si Tina ang nasa salas at nag-aabang sa maaring dumating na mga ‘‘bisita’’.
Hanggang sa matulog na rin si Tina.
KINABUKASAN, dakong alas-otso, nagulat si Dick nang kumatok si Tina.
‘‘Sir Dick, buksan mo ang pinto!’’
Binuksan ni Dick.
“Bakit Tina?’’
“Si Mam Jinky, umalis! Sundan mo Sir Dick. Baka may mangyari sa kanya!’’
(Itutuloy)
- Latest