‘Lagaring Hapon’
MALALAMAN mo ang tunay na halaga ng pera kapag ikaw ay nagpautang at di nabayaran. Kadalasan kasi ang mga taong mabilis at madalas umutang ay siyang matagal o di mahanap para magbayad. Takot at magulo ang isipan nang magsadya sa aming tanggapan si Ester Nepomuceno, 50-taong gulang, taga-Cavite. Inirereklamo niya ang kumare at kapitbahay na si Nelma Apura. Isang kanto lang ang layo ng bahay nito sa tinitirhan ni Ester kaya naging malapit sila sa isa’t-isa. Ikalabing apat ng Pebrero taong 1995 nang lumipat sina Ester at ang anak na si Hanako sa Cavite. Binili ito ng Hapong naging kasintahan niya noon na si Kuniji Ando, isang mekaniko sa Japan. “Nasunugan kasi kami sa Pandacan. Itinawag ko agad sa kanya sa Japan ang nangyari. Mabuti na lang at nagpunta siya dito sa Pinas para tulungan kami,†kwento ni Ester. Dahil sa pagmamahal ni Kuniji kay Hanako isang linggo lang nagkabahay na ang mag-ina. Di sila pinabayaan nito kahit may sarili ng pamilya sa Japan. May lawak na 62 sqm ang lupa at ang bahay naman ay 36 sqm. Inilagay ito sa pangalan ni Ester dahil anim na taong gulang pa noon si Hanako. “Sabi sa ‘kin ni Kuniji yung bahay nga daw sa anak namin. Malinaw yun, para paglaki may matirhan siya,†salaysay ni Ester. Ganun na lang ang pagkadismaya ni Ester nang malaman ang katotohanang maaaring mawala ang lupa’t bahay ng anak. Tumigil na rin sa pagsuporta si Kuniji ng makatapos si Hanako sa kolehiyo. Nagsimula ang kanyang problema nang tulungan niya ang kaibigang si Nelma. Sinasamahan niya ito sa mga kakilala para mangutang. “Wala daw siyang pang-tuition ng anak kaya mangunguÂtang kami. Minsan dalawampung libo, minsan sampu, iba-iba,†sabi ni Ester. Magaling din umanong magsalita at makiusap si Nelma kaya naman tila napapasunod niya ang kanyang mga nilalapitan na pahiramin siya ng pera. “Minsan ako ang nagpapahiram pero kapag wala talaga akong maibigay sinasamahan ko na lang siya sa iba,†wika ni Ester. May panahon din umanong nangangako si Nelma na isasanla ang ilang gamit sa bahay tulad ng ‘refrigerator’ at ‘laptop’ para lang pautangin. “Kadalasan ako ang nakikiusap. Ang problema yung isasanla niya hindi niya naman ibinibigay,†salaysay ni Ester. Ipinapangako din umano ni Nelma na oras na magpadala ng pera ang asawang seaman magbabayad siya kaagad. Napalampas ni Ester ang unang mga aberyang naganap sa pagitan nila. Ngunit nitong huli, hinahabol na sila ng mga pinagkakautangan. Ito ang dahilan ng pagpunta nila sa Maximo Paredes Sarte (MPS) Financing. 350,000PHP umano ang kabuuang inutang nila ni Nelma. Si Ester ang pumirma ng kontrata. Pinaghatian umano nila ang pera, 170,000PHP kay Nelma at 180,000PHP naman ang kay Ester. Dalawang uri ang utangan sa MPS, special kapag may collateral na ang interes ay 3.5% kada buwan at ang regular kapag walang collateral 5% naman kada buwan. Dalawang taon ang hangganan ng kontrata. “Nagbigay ako ng collaÂteral, yung bahay at lupa ng anak ko para sa inutang namin. Pumasan lang siya sa ‘kin, kaya naging 3.5% ang interes ng utang ko at 5% ang kay Nelma,†salaysay ni Ester. Alam umano ng financing ang ganung klase ng kalakaran. Si Nelma umano ang personal na nagbabayad sa financing at hindi dumadaan kay Ester ang pera. Umabot na ng 198,000PHP ang halagang nabayaran ni Nelma. “Maiilit na ang bahay at lupa ngayong Mayo 2013. Nakakapagbayad naman ako sa inutang ko pero hindi daw nila ibabalik ang titulo hangga’t di nababayaran pati utang ni Nelma,†wika ni Ester. Si Ester umano ang hinahabol at ginigipit ng financing. Ang gusto niya lang ay gawin ni Nelma ang parte para walang maging problema. Ito ang naging dahilan kung bakit nagpunta sa aming opisina si Ester. Mula umano taong 2009 tumigil na si Nelma sa pagbabayad. Idinemanda na din siya ng MPS Financing at nagkaroon sila ng ‘compromise agreement’ sa Regional Trial Court (RTC). Ayon dito, magbibigay at pipirma ng ‘deed of sale’ si Ester bilang kabayaran sa kanyang inutang na 626,507PHP kasama ang interes. Dapat niya ring mabayaran ang halagang ito sa loob ng isang taon. Kung di niya ito magagawa kinakailangan niyang iwan ang bahay na tinutuluyan. PARA SA PATAS NA PAMAMAHAYAG, kinapanayam din namin si Nelma upang kunin ang kanyang panig sa reklamong ito ni Ester. Ayon sa kanya, “Ten years ago po nagpalabas siya ng pera na patubuan. Kumuha ako sa kanya, 10% ang tubo nung time na yun,†sabi ni Nelma. Hindi rin umano sinabi sa kanya ni Ester ang tungkol sa pagkakasanla ng titulo at nung nagkaproblema lang ito saka lang ito nabanggit sa kanya. Giit niya “Hindi ko tinalikuran ang obligasyon ko. Nagbabayad naman ako sa finanÂcing. Yung parte niya ang hindi niya inayos. Kaunti na lang ang kulang ko.†Nagtakda siya ng araw at oras para pumunta sa aming tanggapan upang magkaharap sila ni Ester ngunit hindi niya naman ito tinupad. Nagpa-schedule din sina Ester sa barangay. Sabi pa ni Nelma, magpadala daw ng imbitasyon ang barangay sa kanyang bahay at siguradong dadaÂting siya pero hindi rin sumipot itong si Nelma. Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11am-12pm) ang problemang ito ni Ester. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, isang kontrata lang ang pinirÂÂmahan ni Ester at ang kabuuang halaga ng kanyang inutang sa sariling pangalan ay 350,000PHP. Hindi ba dapat ang interes nito ay 3.5% lamang dahil may collateral. Ang tama isang collateral ang ginagamit na computation dahil iisang transaksiyon lang. Walang personality si Nelma sa transaksiyon na yan dahil ito’y usapan sa pagitan ng MPS Financing at ni Ester. Maliwanag na nakisakay lamang sa utang itong si Nelma. Kung sisingilin nila si Nelma at kinikilala nila ito bilang kliyenteng nangutang sa kanila dapat ibang transaksiyon at dun nila maaaring ipataw ang 5% na porsiyento pero hindi ganun ang nangyayari. Ang MPS financing ay isa lamang sa napakaraming kompanya na nagpapautang na may mataas na interes. Ito’y sa kadahilanang wala nang ‘Anti-Usury Law’. Ito ay sinuspinde ng Central Bank of the Philippines noong 1982 sa pagÂlalagay ng limitasyon sa mga interes na nilalagay kaya ngayon naglipana na ang mga ‘lending corporation’ na napakataas ng mga interes na sinisingil. Hindi lamang yun ang iba pa riyan ay hindi naman reÂhistrado o may Central Bank Authority para magpautang. Kung kulang pang pasanin ito para sa mga taong tulad ni Ester at Nelma dapat maimbestigahan kung ‘double blade’ ang ginamit ng MPS financing sa kanilang paniningil kay Ester ng 3.5% at kay Nelma naman ay 5%. Siguro maganda rin na ngayong malapit na ang halalan baka naman may mambabatas diyan na maaaring dalhin sa kongreso at maibalik yang Anti-Usury Law na inihinto nung rehimen ng ‘martial law’ ni Presidente Ferdinand Marcos. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
- Latest