^

Punto Mo

Editoryal - Sunud-sunod na oil price hike

Pang-masa

KAMAKAILAN lang ay ipinagyabang ng admi­nistrasyon ang 6.6 percent na pag-angat ng ekono­miya. Nalampasan daw ang 5-6 percent na target nila noong nakaraang taon. Maski ang International Monetary Fund (IMF) ay humanga sa performance ng Pilipinas at nagpahayag nang pagsuporta. Pero ang nakapagtataka, hindi malasap o maramdaman ng mamamayan ang sinasabing ganda raw ng ekonomiya. Tila ba iilan lang ang nakakalasap nito.

At lalo nang naging mapakla ang panlasa ng nakararami dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasoline at diesel. Mula nang pumasok ang 2013, limang beses nang nagkaroon ng oil price hike. Kamakalawa, nagtaas na naman ng P1 sa gasolina at umano’y may pagtataas pa sa susunod na linggo. Pati ang presyo ng diesel at kerosene ay tumataas din.

Maraming nagtataka sa sunud-sunod na oil price hike at iniisip nilang makakaligtaan kaya ito ng admi­nistrasyon dahil sa pagiging abala sa pangangampanya. Hindi na mapagtuunan ang pagtaas ng gasolina sa­pagkat ang inuuna ay ang kapakanan ng mga kan­didato ng administrasyon.

Apektadong masyado ang mga drayber ng dyipni sapagkat halos wala nang maiuwi sa pamilya dahil napunta na lamang sa mahal na krudo. Ang walang habas na pagtaas ng gasolina at krudo ang naging dahilan para magbanta ng rally ang transport group Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa susunod na buwan. Ito raw ay kung patuloy na babalewalain ng gobyerno ang walang patlang na pagtaas. Tila wala raw pakialam ang gobyerno kahit naghihirap na ang mamamayan lalo ang mga karaniwang jeepney driver.

Kapag natuloy ang rally, apektado ang mama­mayan. Apektado rin ang negosyo. Maraming mapaparalisa. Hihintayin pa bang mangyari ito? Nararapat kumilos ang gobyerno. Huwag namang itutok sa kandidato ang panahon.

APEKTADO

APEKTADONG

HIHINTAYIN

HUWAG

INTERNATIONAL MONETARY FUND

MARAMING

OPERATOR NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

TILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with