^

Punto Mo

‘Sa mga diyabetikong pasyente’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PATULOY na dino-dokumento ng BITAG ang mga kaso ng matitinding diyabetikong pasyente sa pamamagitan ng case study sa loob ng halos apat na taon.

Sila ang mga pasyenteng pinayuhan ng kani-kanilang mga doktor sa pamamagitan ng “amputation” o pagputol ng bahagi ng kanilang mga paa o kamay. Impeksiyon sanhi ng kapabayaan ang dahilan kung kaya lumalala at hindi na gumagaling ang sugat ng mga pasyente.

Dahil sa kakapusan sa pera at desperasyon sa kanilang kalagayan, karamihan sa kanila sumusubok sa lahat ng posibleng lunas para hindi umabot sa puntong maputulan sa payo na rin ng kanilang mga doktor.

Sa pagsubaybay ng BITAG sa kalagayan ng mga pasyente, sinusunod naman ng mga ito ang lahat ng reseta ng doktor, mga gamot na pampababa ng kanilang blood sugar, kasabay rin ang mga antibiotics laban sa impeksiyon, maging ang kinakailangang diyetang dapat nilang sundin.

Para sa isang taong hindi nabiyayaan ng maginhawang pamumuhay, hindi biro ang pagkakaroon ng diabetes. Ang sakit na ito ay walang lunas at habambuhay na nangangailangan ng pag-iingat, pag-aalaga ng kalusugan at panghabambuhay na gamutan ng mga dalubhasang doktor. Pinaka-magastos sa lahat ang kaso ng mga pasyenteng gumagamit ng insulin na kinakailangan ng kanilang katawan.

Iba’t ibang gamot at herbal supplements laban sa diabetes ang naglalabasan ngayon sa merkado. Marami ang mga bogus at mapagsamantalang sumasakay lamang sa pamamagitan ng kanilang mga pekeng likha o imbensiyon kuno laban sa sakit na ito kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat!

Ang ilang higanteng pharmaceutical companies, gumagamit pa ng mga sikat na personalidad para mag-endorso sa kanilang mga gamot at herbal supplements laban sa diabetes. Ang nakakatawa, malusog pa sa kalabaw at walang diabetes ang kanilang mga endorser na napili. Samantalang ang ibang totoong diyabetiko ang endorser, ni hindi tinatangkilik at patagong hindi iniinom ang kanilang iniendorsong gamot o herbal supplement.

Abangan ang karugtong…

 

ABANGAN

DAHIL

IMPEKSIYON

KANILANG

MARAMI

PINAKA

SAMANTALANG

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with