Try mo, baka effective…
January 24, 2013 | 12:00am
- Magbigay ka sa ibang tao ng higit sa inaasahan nila.
- Mag-memorize ng paborito mong kanta.
- Huwag paniwalaan ang lahat ng naririnig mo. Huwag maÂtulog nang sobra sa 8 oras. Huwag gastusin ang lahat ng perang hawak mo.
- Kapag nag-I Love You ka, siguraduhin mong totoo iyon.
- Kapag nag-I’m Sorry ka, tumingin ka ng diretso sa mata ng hinihingan mo ng kapatawaran.
- Makipag-engaged muna ng 6 na buwan bago magpakasal.
- Maniwala sa love at first sight.
- Huwag pagtawanan ang pangarap ng iba kahit pa totoong nakakatawa ito at parang imposibleng mangyari. Hindi mo alam ang kapalaran ng bawat tao. Baka ikaw naman ang pagtawanan niya kapag natupad ang impossible dream niya.
- Magmahal nang todo. E, ano kung mabigo. Talagang ganoon ang buhay.
- Kapag nakikipagtalo, panatilihin ang pagiging edukada. Walang murahan; walang name calling.
- Huwag husgahan ang isang tao dahil sa reputasyon ng iba niyang kapamilya.
- Magsalita nang marahan ngunit mag-isip nang mabilisan.
- Kung ayaw mong sagutin ang itinatanong sa iyo, sagutin mo siya ng “Bakit mo itinatanong?â€
- Kung may tsismosang tumitingin sa iyo na parang nanunukat ng pagkatao mo, tingnan mo rin siya para mapahiya at tumigil sa katitingin sa iyo.
- Bumulong ng “Bless you†kapag may narinig kang humatsing.
- Tawagan mo lagi ang nanay mo. May sasabihin ka man o wala sa kanya.
- Ngumiti kapag sasagot sa phone, nadadama iyon ng tao sa kabilang linya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am