^

Punto Mo

Lampong(185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG taon na rin ang nakalilipas mula nang magkahiwalay sila ni Sarah. Marami na sigurong pagbabago sa buhay niya. Pero ang dinalangin niya sana ay available pa si Sarah. Sana ay hinihintay pa rin siya nito. Alam naman niyang mahal din siya ni Sarah at kaya lamang tumabang sa kanya ay dahil sa prinsipyo niyang ayaw magpakasal at magkaanak. Pero ngayon ay handa na siyang pakasalan si Sarah.

Nakarating na siya minsan sa Sta. Ana. Minsan ay nakapag-anak siya sa binyag at ginawa ang seremonya sa Santa Ana church. Sabi ng landlady ni Sarah sa Nagtahan ay sa may paligid ng simbahan ito nakatira. Iyon daw ang huling pagkaalam niya.

Maaga siyang nakarating sa Sta. Ana. Pumasok muna siya sa simbahan at nagdasal. Hindi siya dati ganoon pero mula nang lokohin ni Puri ay naging madasalin na siya. Naisip niya baka tinatapik siya ng Diyos.

Makaraang magdasal ay lumabas na siya at tinungo ang kalsadang nasa gilid ng simbahan. Pawang apartment sa paligid. Malinis. Paano siya mag-uumpisa sa paghahanap kay Sarah, gayung ni wala siyang ideya kung saang street ito nakatira. Wala namang binigay ang landlady sa Nagtahan kundi nakatira raw sa malapit sa may simbahan. At gaano karami ang nakatira sa malapit sa simbahan? Parang naghahanap siya ng karayom sa damuhan.

Ganunman, magbabakasakali siyang magtanong. Hindi siya lalayo sa may simbahan. Iisa-isahin niya ang mga apartment na naroon.

Inuna niya ang isang apartment na kulay puti. Nag-doorbell siya. Maya-maya lumabas ang isang dalaga. Sumungaw sa gate.

“Bakit?” tanong nito.

“Mam may nakatira bang Sarah diyan?”

“Sarah? Walang Sarah dito. I-try mo sa kabilang apartment. Marami diyang nakatira.”

“Salamat.”

Nagtungo siya sa kabila.

Nag-doorbell din siya. Lu­ma­bas ang isang babae na mga 50-anyos marahil.

“Yes?” tanong nito.

“Magtatanong lang kung may nakatirang ang pangalan ay Sarah.”

“Anong apelyido?”

“Santos. Sarah Santos.”

“Walang Sarah Santos dito. Sarah Mendoza meron.’’

“Salamat, Mam.’’

Lipat uli siya sa ibang apartment. Tanong uli. Wala raw Sarah doon.

Hindi pa rin nasiraan ng loob si Dick. Nagtanong pa uli sa isang apartment. Pero halos lahat nang napagtanungan niya ay walang nakatirang Sarah.

Inabot siya ng ala-una ng hapon  pero walang Sarah roon.

Ipinasya ni Dick na tigilan na ang paghahanap. Kutob niya, wala sa lugar na ito si Sarah. Baka nag-abroad na ito.

Umuwi siyang laglag ang balikat.

 

MAKALIPAS pa ang ilang buwan, namamasyal sa isang malaking mall sa Ma­kati si Dick nang mapansin niya ang kasalubong na babae na may kasamang dalawang bata. Hindi siya maaaring magkamali. Si Sarah!

“Sarah?”

“Dick?”

“Ako nga, Sarah. Kumusta, Sarah?”

“Mabuti, Dick. Maliga­yang-maligaya. Siyanga pala sila ang mga anak ko.’’

Guwapo at maganda ang dalawang bata.

“Ikaw Dick, kumusta ka na?”

Napalunok si Dick. Ano ang isasagot niya? Parang nagkaroon ng bara ang lalamunan niya.

(Itutuloy)

DICK

IKAW DICK

MARAMI

NAGTAHAN

NIYA

PERO

SANTA ANA

SARAH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with