^

Punto Mo

Lalaki, natagpuangpatay at nakatayo!

- Arnel Medina - Pang-masa

NADISKUBRE ang katawan ni Andrew Evan, 35, sa kitchen ng kanyang bahay sa East Grinstead, West Sussex. Patay na siya! Ang nakapagtataka, namatay si Evan na nakatayo!

Ang nakatagpo kay Evan ay ang kanyang kaibigan na hindi na nagpabanggit ng pangalan. Ayon sa kaibigan, nagtaka siya nang hindi sumagot si Evan nang tawagin niya. Nang silipin umano niya sa kusina, nakatayo si Evan. Tinawag niya pero hindi ito kumikilos. Gumawa ng paraan ang kaibigan para makapasok at na­laman niyang patay na si Evan. Ang nakapagtataka ay kung bakit nakatayo ito nang mamatay. Tumawag ng pulis ang kaibigan at inimbestigahan ang pangyayari.

Hinala ng mga pulis, lasing si Evan nang mangyari ang insidente. Mayroon itong inaabot na patingkayad sa cupboard at nag-blacked out. Hindi na siya nakakilos at nanatili sa ganoong position.

Sikat ng araw, sekreto nang mahabang buhay ni Jiroemon Kimura

ANG Hapones na si Jiroemon Kimura ang pinakama­tandang tao sa mundo – siya ay 115-anyos.

Ipinanganak siya noong 1897 sa Kyoto. Mayroon siyang 5 anak, 14 na apo, 25 apo sa tuhod at 13 apo sa talampakan.

Sabi ni Kimura, ang kanyang sekreto sa pagkakaroon nang mahabang buhay ay ang sikat ng araw. Lagi raw siyang nakatingin sa kalangitan. Nagpapasala­mat daw siya sa magandang sikat ng araw na tumatama sa kanyang katawan. Ito raw ang nagdu­dulot sa kanya ng positibong pag-iisip.

vuukle comment

ANDREW EVAN

AYON

EAST GRINSTEAD

EVAN

GUMAWA

HAPONES

JIROEMON KIMURA

MAYROON

NANG

WEST SUSSEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with