^

Punto Mo

Diksyunaryong may komedya

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAPULOT ko sa iba’t ibang blog sites ang mga salitang Tagalog na sumusunod na nilagyan ng depenisyong nakakaaliw. Sobra akong naaliw kaya inilalathala ko muli:

Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.

Akala ---- alam na alam daw.

Ama ------ pamilyadong gustong maging binata.

Bakasyon ---panandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.

Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.

Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.

Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.

Baldado -- hindi mamamatay-matay na parang hindi na mabubuhay.

Bale ----- suweldong inutang.

Binata ------ lalaking gustong maging ama.

Biyenan ------ anay ng tahanan.

Kaaway --- ikli ng ‘kaibigan na inayawan.’

Kababata -- dating gelpren na may ibang boypren.

Kabag ---- dighay at utot na naghalo sa tiyan.

Kabayo --- hayop na sinasakyan ng kalesa.

Kabit ------ asawa rin pero ekstra lang.

Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.

Dalaga --------- babaeng gustong maging ina.

Dalaginding --- dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.

Dighay ------- Utot na lumabas sa bunganga.

E -------- ireng paseksi.

Gahasa --- romansang walang ligawan.

Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.

Ginoo ---- asawa ni ginang na may inaasawang iba.

Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.

Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan.

(Itutuloy)

ABULOY

BAKASYON

BAKIT

BALDADO

BINATA

BIYENAN

DALAGINDING

DIGHAY

GAHASA

GINANG

GINOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with