Weh, totoo? Natural beauty tips
Simpleng “food facial”: Pagkatapos linisin ang mukha, ikuskos ang loob ng balat ng papaya o saging (latundan or lacatan).
Gumawa ng face mask: Batihin ang isang egg white at isang kutsarang all purpose cream. Ito ang ipahid upang maiwasang lumaylay ang balat sa mukha.
Ilagay sa blender ang ubas, cucumber, strawberry at honey upang makagawa ng paste. Ito ang ipahid at imasahe sa mukha.
Chapped Lips
Kung summer, pahiran ng lotion na may sunscreen ang lips.
Kung cold weather, lip balm ang ipahid. Huwag gamitin ang may flavour at “medicated lip balm” dahil baka ito magkaroon ng allergic reaction sa iyong lips. Mainam na gamitin ay may ingredients na beeswax, phenol, aloe vera or vitamin E.
Uminom ng maraming tubig kapag nauuhaw, ganoon din pagkatapos ng iyong physical activities: Halimbawa, exercise or mabibigat na household chores.
Kung nahahalata mong may kinalaman ang iyong iniinom na gamot sa pamumutok or panunuyo ng iyong lips, makipag-usap ka sa iyong doktor upang palitan ito.
Senyales na nangangailangan ng medical attention ang panunuyo/pamumutok ng labi:
1. Cheilosis, also called cheilitis. Ang sintomas ay pamamaga ng lips na may kasamang kirot, may crack ang kanto ng lips. Kadalasan itong nangyayari sa mga may diabetes, anemia, at immune deficiencies.
2. Actinic cheilitis, also called “farmer’s lip” or “sailor’s lip.” Ang sintomas ay madalas na panunuyo at pamumutok sa ibabang lips na may kasamang pangungulubot.
- Latest