^

Punto Mo

Lampong(144)

Pang-masa

HINDI makapaniwala si Dick na si Puri ang babaing palabas ng mall. Bakit narito si Puri? Nasa Baguio siya at sa isang araw pa ang dating. Hindi inaalis ni Dick ang tingin sa babae. Baka naman nagkakamali siya. Maraming babae ang halos magkakamukha at kailangan pang lapitan para makasiguro na hindi nagkakamali.

Ipinikit ni Dick ang mga mata at baka dinadaya lamang siya ng paningin. Paano mapupunta rito si Puri ay may dinadaluhang seminar?

Nang imulat muli niya ang mga mata, wala na ang babae. Mabilis na naglakad si Dick para hanapin ang babae. Maraming tao na ang palabas sa mall. Nagmamadali siya para makita ang babae. Pero hindi na niya nakita. Iglap lang at nawala na.

Hindi kaya dinadaya lamang siya ng mga mata o yung tinatawag na optical illusion? Dahil kaya sa sobrang pagkahumaling ang tingin niya sa lahat nang babae ay si Puri? Puwede. Dahil sa pagmamahal niya kay Puri hindi niya ito ka­yang pagtaksilan. Hindi niya pinatulan si Jinky kahit na “nakabuyangyang” na ang pagkababae. Kung hindi siya tapat dito, matagal na niyang “napakialaman” ang pa­saway na si Jinky. Hindi siya ganoon kahina pagdating sa laman. Binibigyang-halaga niya ang pagsasamahan nila ni Puri. Dahil tapat sa kanya si Puri, dapat gantihan din niya ng katapatan. Kung mahal niya si Puri dapat mahalin din niya. Love begets love.

Pero hindi pa rin mapa­kali si Dick. Talagang nagta­taka siya sa nakita kanina at malakas ang kutob niya na si Puri nga.

Para makatiyak, kaila­ngang makausap niya si Puri.

Tinawagan niya ito.

Nag-ring. May nag-hello.

“Hello Puri?”

“Dick?”

“Nasa Baguio ka di ba?”’

Matagal bago sumagot.

“Oo. Sa makalawa pa uwi ko. Bakit?”

“Wala. Wala!”

“Akala ko kung ano na?”

Habang nagsasalita si Puri ay may nasasagap si Dick na boses. Parang nasa isang mataong lugar si Puri. Baka naman ang mga participants sa seminar. Baka nga. Pero parang babaing nagsasalita sa loob ng mall.

Nagpaalam na si Dick.

“Sige Puri. Bye!”

Nang isara ni Dick ang kanyang cell phone, sigurado siya na nasa Baguio si Puri.

(Itutuloy)

DAHIL

DICK

NASA BAGUIO

NIYA

PERO

PURI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with