Paano ginagamit ang Facebook? …bilang ‘professional tool’ sa pagpili ng prospective employee.
MARAHIL ay may nakikita silang “bigger picture” kung babasahin ng employer ang Facebook account ng isang aplikante kaysa simpleng interview lang. Kasi sa interview, puwede pang magpanggap ang isang interviewee para magpa-impress samantalang sa Facebook, naroon na ang katotohanan ng kanyang pagkatao.
Base sa pagsasaliksik ni Kashmir Hill ng forbes.com site, may score card ang employer at iniiskoran nila ang aplikante ng 1 (low) to 5 (high) base sa publicly-available photos, status updates, conversations with friends, at Wall postings. Ganito more or less ang nakasulat sa score card:
Pakikihalubilo: 1) Palakaibigan ba siya? 2) Nasisiyahan ba siya sa groups na sinalihan niya 3) Marami ba siyang activities na nagpapasaya sa kanya?
Pakikiisa: 4) Sumusunod ba siya sa rules? 4) Matulungin ba siya 5) Maawain ba siya?
Kahandaan: 6) Magaling ba siya sa posisyong inaaplayan 7) masipag 8) laging nakahanda sa anumang trabaho na ipagagawa
Pagtanggap sa sarili: 9) hindi gusto ang sarili 10) laging minamaliit ang sarili 11) mabilis mag-panic
Bukas ang isipan para sa bagong karanasan: 12) May malinaw siyang imahinasyon 13) nae-excite siya sa mga bagong ideya 14) gusto niya ang philosophical discussion
Employment 15) qualified ba siya 16) may pleasing personality ba siya 17) ipagkakatiwala mo ba ang trabaho o posisyon sa aplikanteng ito?
Ang sa akin lang, kung wala ka namang dapat itago sa iyong Facebook account, sige lang ipabasa mo. Kung iyon lang ang kailangan para ka mabigyan ng tsansang makapag-aplay, bakit hindi? Kaya next time, ayusin na ang mga ipo-post sa Wall. Malay ninyo, gumaya ang mga employers dito sa atin at hingin na rin ang username at password ng Facebook ng mga aplikante.
- Latest