^

Punto Mo

Editoryal - Maraming buhay ang maililigtas sa pagpasa ng ‘sin tax’

Pang-masa

KAPAG hindi napigilan ang pagkasugapa sa siga­rilyo, maraming Pinoy ang mamamatay. Ayon sa report ng Philippine Heart Association (PHA), 876,600 Pilipino ang namamatay bawat taon dahil sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Sakit sa puso at cancer sa baga ang nakukuha sa paninigarilyo. Ayon kay Dr. Saturnino P. Javier, presidente ng PHA, ang mga inaatake sa puso ay nasa edad 30. Bukod sa atake sa puso, mayroon ding nai-stroke. Inihalimbawa ni Javier ang kanyang pasyente na edad 17 at nakakaubos ng tatlong kahang sigarilyo. Ayon kay Javier, tatlong blood vessels sa puso ng kanyang pasyente ang barado dahil sa walang tigil na paninigarilyo.

Sa pag-aaral, kapag itinaas ang presyo ng siga-rilyo, marami ang mapipigilan sa paninigarilyo. Hindi na nila kakayaning bumili ng sigarilyo sapagkat ubod ito ng mahal. Siguradong bibitiwan nila ang bisyong nakamamatay. Ayon kay Jo-Ann Latuja, senior economist ng Action for Economic Reform, kapag nagmahal ang sigarilyo, makaka-pagligtas ng 75,000 buhay sa loob ng isang taon.

Magiging ganap lamang ito kapag naipasa ang “sin tax” bill sa Senado. May ginawang bersiyon ng “sin tax” bill si Sen. Franklin Drilon kung saan ay kikita ng P40-bilyon hanggang P45-bilyon ang pamahalaan. Mas mataas naman ito kaysa bersiyon ni Sen. Ralph Recto na P15-bilyon. Nag-resign si Recto makaraang ideliber ang kanyang report sa “sin tax” bill. Mara-ming bumatikos sa kanya.

Pinaka-maganda ang bersiyon ng “sin tax” bill ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na kikita ang pamahalaan ng P60-bilyon. Ang bahagi ng kikitain sa “sin tax” bill ay para sa pagpapagamot ng mga maysakit at tutustusan din ang pagpapagawa ng mga ospital ng gobyerno.

Ipasa ang “sin tax” bill ni Miriam upang mailigtas sa kamatayan ang maraming Pinoy. Ang panukalang ito ang tamang sagot para maputol ang nakamamatay na bisyo.

AYON

BILL

DR. SATURNINO P

ECONOMIC REFORM

JAVIER

JO-ANN LATUJA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PHILIPPINE HEART ASSOCIATION

PINOY

RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with