^

Punto Mo

Tutukan, katiwalian sa local gov’t units

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Pang-masa

MAY katiwalian sa local government units (LGU’s) na matagal nang nangyayari pero ang nabibigyan ng pansin ay national government. Napapabalita lang ang katiwalian sa national government kung nakasalang na sa imbestigasyon ng Senado at House of Representatives.

Kapag ang katiwalian ay sumambulat sa lokal na pamahalaan, hindi gaanong lumalaki ang isyu. Hindi ito sinasakyan ng mga pulitikong ambisyoso sa paniniwalang hindi sila sisikat dito. Takot pumatol ang ilang senador at kongresista dahil baka mapagbintangan na namumulitika.

Mas mainam na magkaroon ng congressional inquiry upang makagawa ng batas kung paano mawawala ang anomalya. Hindi masyadong natutukan lalo na kung ang kaso ay sa isang siyudad o bayan na malayo sa Metro Manila. Madaling imaniobra ng local officials ang mga pondo nito sa kanilang proyekto lalo na kung magkakapartido ang mayor, vice mayor, konsehal, governor, vice governor at bokal.

Kadalasang lumalabas ang ulat ng katiwalian kapag nag-away-away na ang mga pulitiko at kung ang isang incumbent local official ay may makakalaban ng kapwa opisyal.

Tutukan at imbestigahan ng Senado at House ang mga ano­malya sa LGU. Sampolan ng Malacañang ang mga opisyal na sasabit sa katiwalian. Ayon sa Malacañang, maaaring lumakas ang paniniwala ng publiko na malala ang katiwalian sa LGU. Kung talagang susuriin, masyadong mahinang klase ang transaksiyon na ito. Hindi na papatulan pa ng governor o mayor ang mga permit ng mga pangkaraniwang negosyante maliban na lang sa mga kontrobersiyal at big time na negosyo tulad ng mining at logging.

Malaking usapin sa MM na may milagrong nangyayari sa pondo sa paghahakot ng basura, ghost employees, konstruksiyon, pagkukumpuni ng mga school at tanggapan ng gobyerno.

Sampolan ni P-Noy ang mga lokal na opisyal sa MM na sangkot sa katiwalian para mapatunayan ang “tuwid na daan”. Dapat mapatino niya ang mga local chief executive upang ang pondo ay mailaan para sa serbisyo sa mamamayan.

AYON

DAPAT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KADALASANG

KATIWALIAN

MALACA

METRO MANILA

SAMPOLAN

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with