^

PM Sports

Beermen buhay pa sa No. 1 spot sa quarters

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Beermen buhay pa sa No. 1 spot sa quarters
Ang floater ni June Mar Fajardo ng San Miguel laban kay Terrafirma center Geo Chiu.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng San Mi­guel ang ngitngit nito sa sibak nang Terrafirma, 135-130, upang mapanati­ling buhay ang pag-asa sa No. 1 seed sa PBA Season 50 Governors’ Cup kaha­pon sa Ninoy Aquino Stadium.

Higanteng 2nd quarter na ratsada ang pinakawalan ng Beermen upang maipagpag ang makulit na Dyip at maiganti ang 116-98 kabiguan nito noong nakaraang linggo kontra sa karibal at reingnig champion na Talk ‘N Text.

Angat sa 8-3 baraha ang SMB para manatiling nakabuntot sa Group A lider na NLEX (8-2) papasok sa krusyal na laban nila sa Oktubre 21.

Gumiya sa mga bataan ni coach Leo Austria si George King na naghari sa 44 puntos, 5 rebounds, 5 assist, 1 steal at 2 tapal sa 36 minutong aksyon lang.

Umayuda sa kanya si 9-time PBA MVP June Mar Fajardo na humakot ng double-double na 25 puntos at 12 rebounds, habang may 22 puntos naman si CJ Perez.

Nag-ambag din ng 13 puntos si Don Trollano, may 8 at 7 puntos sina Marcio Lassiter at Jeron Teng, ayon sa pagkakasunod.

“We needed to bounce back so this game is important for us to maintain our position in the Top 2,” ani coach Leo Austria na sigurado na ang mga bataan sa crossover quarterfinals.

Mula sa masaklap na kabiguan kontra sa Tropang 5G, nahirapan pa sa simula ang Beermen nang makaabante lang nang bahagya kontra sa Dyip, 28-27, bago magpakawala ng 36-20 birada sa 2nd quarter.

Hindi na lumingon pa ang SMB buhat noon tu­ngo sa madaling 30-puntos na tagumpay.

Kinapos ang 28, 23, 12 at 10 puntos nina Justin Strings, Maverick Ahan­misi, Shawn Umali at Juami Tiongson para sa Dyip na sumadsad sa 4-7 kartada.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with