^

PM Sports

JRU, Saint Benilde iisa ang misyon

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pareho ang pakay ng Jose Rizal University at College of Saint Benilde--ito’y ang manalo sa magkahiwalay na laban ngayong araw sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Playtime FilOil sa San Juan.

Haharapin ng JRU ang Letran sa alas-5 ng hapon habang katapat ng CSB ang Emilio Aguinaldo College sa alas-3 ng hapon.

Magkasalo sa tuktok ng Group A sa team stan­dings ang Heavy Bombers at Blazers, tangan ang tig 6-1 karta kaya posibleng magsama pa rin sila sa No. 1 spot pagkatapos ng kanilang laban.

Sasandalan ng Kalentong-based squad, ang kanilang four-game winning streak para masilo ang panalo laban sa Letran na galing naman sa masaklap na kabiguan kontra Mapua University, 67-69.

Sa huling laro ng Hea­vy Bombers pinasabog nila ang Generals, 84-74 matapos silang akba­yan nina Chris Hubilla at Lawrence Mangubat kaya asahang sila pa rin ang magiging armas ni head coach Nani Epondulan sa opensa.

Nasa pangalawang puwesto naman sa Group B ang Letran hawak ang 4-3 baraha, ipaparada nila ang kanilang mga kamador na sina Chad Gammad, Jimboy Estrada at Justin Cargo para makabangon agad sa pagkakadapa.

Tulad sa JRU, nagliliyab din ang perfomance ng Saint Benilde na nais pahabain ang kanilang winning streak sa lima laban sa EAC.

Sina Justine Sanchez at Jhommel Ancheta ang ibabangga ng Blazers sa kanilang opensa. 

Naka-puwesto sa No. 4 sa Group B ang Gene­rals hawak ang 2-5 record.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with