^

PM Sports

Choco Mucho pakay Win No. 2 sa ZUS Coffee

Russell Cadayona - Pang-masa
Choco Mucho pakay Win No. 2 sa ZUS Coffee
Eya Laure at Jolina Dela Cruz

MANILA, Philippines — Puntirya ng Choco Mu­cho ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa ZUS Coffee, habang mag-uunahang makasampa sa win column ang Capital1 Solar Energy at Akari sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg.

Magkikita ang Flying Titans at Thunderbelles ngayong alas-6 ng gabi at magtatapat ang Solar Spi­kers at Chargers sa ala-1 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Binalikan ng Choco Mucho ang Capital1, 22-25, 18-25, 25-17, 25-20, 15-8, sa likod nina Eya Laure at Sisi Rondina.

“Sobrang thankful ako sa naging response nila,” ani coach Dante Alinsunurin sa pagbangon ng kanyang Flying Titans mula sa 0-2 pagkakalubog sa Solar Spikers. “Sana hindi ngayon lang ito, sana marami pa ring magawa sa next game namin.”

Sisimulan naman ng Thunderbelles ang kanilang kampanya sa likod nina Jolina Dela Cruz, Cess Robles, Jovelyn Gonzaga, AC Miner, Riza Nogales, Zam Nolasco, Chinnie Arroyo at Fiola Ceballos.

“Itong All-Filipino, ibang-ibang liga na rin talaga siya. Ibang season naman, so talagang kaila­ngan pa namin mas mag-jell pa as a team para mas makilala namin ‘yung isa’t isa,” sabi ni Dela Cruz.

Sa unang laro, mag-uunahang makasampa sa win column ang Capital1 at Akari na parehong natalo sa pagbubukas ng AFC Siklab leg noong Sabado sa Cebu City.

Bigo ang Capital1 sa Choco Mucho, 25-22, 25-18, 17-25, 20-25, 8-15, habang yumukod ang Akari sa Creamline, 18-25, 21-25, 18-25.

Sina ‘Big Three’ Bella Belen, Vanie Gandler at Erika Santos ang babandera sa Capital1 katuwang sina Pia Abbu, Ezra Madrigal, Cherry Nunag, setter Juju Coronel at rookie libero Detdet Pepito.

Isasalang ng Akari sina Ivy Lacsina, Grethcel Soltones, Eli Soyud, Fifi Sharma, Ced Domingo, setter Mars Alba at libero Justine Jazareno.

CHOCO MUCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with