^

Probinsiya

Grade 10 nagdala ng droga sa iskul, tiklo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines  – Mismong ang pamunuan na ng pinakamalaking public high school sa lalawigan ng Quezon ang kumilos upang iparesto sa mga tauhan nang Lucena City Police ang isang 18-anyos na Grade 10 student matapos na magtangkang magpuslit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng nasabing paaralan sa Barangay Ibabang Iyam ng lungsod na ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng Lucena Police, pasado alas-12 ng tanghali habang nagsasagawa ng random ins­pection ang mga nakatalagang guwardiya ng Que­zon National High School (QNHS) nang ma­kita sa bag ng estudyanteng si alyas “Nate” ang isang glass tube pipe na may lamang hinihinalanag liquid marijuana.

Agad na dinala ang estudyante sa guidance office para ipaalam ang pangyayari.

Nabatid na hindi lang pala ito ang unang beses na nahulihan ng ilegal na droga ang nabanggit na estudyante at madalas din umano itong nasasangkot sa mga gulo at naging dahilan din ng pagkaka-kickout nito sa QNHS.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, pang-16 na ang naitalang mga menor-de-edad na sangkot sa pagdadala at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pansamantalang isinailalim sa kostudiya ng Lucena CSWDO ang naturang estudyante.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with