^

PSN Palaro

Akari bumubuo ng chemistry sa PVL On Tour

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Akari bumubuo ng chemistry sa PVL On Tour
Akari Chargers' Faith Nisperos
PVL Images

MANILA, Philippines —  Malaki ang naitutulong ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour sa binubuong chemistry ng Akari.

Pinatunayan ito ng Chargers matapos pabagsakin ang Choco Mucho Flying Titans, 27-25, 27-25, 21-25, 25-22, noong Sabado sa Polomolok Gymnasium sa Polomolok, South Cotabato.

Pumalo si Chenie Tagaod ng 19 points mula sa 11 attacks, anim na blocks at dalawang service aces para sa 1-1 baraha ng Akari na naunang natalo sa ZUS Coffee, 11-25, 23-25, 28-26, 17-25, noong Hulyo 8 sa Ilagan, Isabela.

“Iyon lang naman ‘yung hinahabol namin magkaroon ng magandang exposure ‘yung team, magkaroon ng chemistry, mabuo kami as a team,” wika ni coach Tina Salak sa kanyang Chargers.

“Maganda itong part ng On Tour na nakikilala namin ang isa’t isa playing inside the court,” dagdag nito.

Naglista si Ivy Lacsina ng 14 points at 13 excellent receptions habang tumipa si Grethcel Soltones ng 10 points at 13 excellent digs.

“Lahat nag-contribute. Considering ‘yung Alas pla­yers natin wala, so lahat nagsipag  even ‘yung mga bago nag-fill in na rin sila Risa (Sato), Shar (Ancheta),” sabi ni Salak.

Laglag ang Flying Titans ni coach Dante Alinsunurin sa 0-3 kartada  dahil na rin sa hindi paglalaro nina Alas Pilipinas members Sisi Rondina, Eya Laure at Dawn Catindig.

Dadalhin ang mga aksyon sa PVL On Tour sa Santiago City, Isabela sa Agosto 8 kung saan magtutuos ang ZUS Coffee (2-0) at nagdedepensang PLDT (1-0) sa alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Creamline (1-0) at Capital1 Solar Energy (0-1) sa alas-6:30 ng gabi.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with