^

Probinsiya

4 Malaysian na pumatay sa kababayan, timbog!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 Malaysian na pumatay sa kababayan, timbog!
Iniharap ng Silang Police kay Mayor Ted Carranza ang apat na Malaysian na suspek sa pananaksak at pagpatay sa kapwa Malaysian sa Brgy. Iba, Silang Cavite, matapos silang maaresto sa joint operation ng Silang Po- lice at Pasay City Police, kahapon.
Cristina Go-Timbang

CAVITE , Philippines — Apat na Malaysian national na suspek sa brutal na pagpatay sa isa nilang kasamahan ang naaresto ng pulisya sa bayan ng Silang, dito sa lalawigan, kamakalawa.

Ayon kay Silang Mayor Ted Carranza, mabilis na natunton ng Silang Municipal Police ang apat na dayuhang suspek sa pamamagitan ng masusing follow-up operation, backtracking ng mga CCTV camera, at pakikipag-ugnayan sa Pasay City Police Station.

Sa ulat ng pulisya,  nitong Hulyo 30, dakong alas-11:40 ng gabi nang matagpuan ang duguan at tadtad ng saksak na biktima sa gilid ng kanyang itim na SUV na Toyota Fortuner sa Sitio Ilayang Pulo, Brgy. Iba, Silang, Cavite.

Base sa mga nakuhang CCTV footages, sa kanilang pagtakas ay sumakay ng taxi ang mga suspek nang magpahatid sila sa Pasay City kung saan sila nanunuluyan sanhi upang matunton at maaresto nang pinagsanib na puwersa ng Silang Police at Pasay City Police.

Sinabi ng pulisya, na matapos ang interogasyon ay inamin ng mga suspek ang ginawang pagkatay sa kanilang kababayan.

Ayon naman kay Mayor Carranza, pinaniniwalaang nasa impluwensya ng ilegal na droga ang mga suspek nang maganap ang pananaksak.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang apat na Malaysian sa Provincial Prosecutor’s Office, habang makikipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa kanilang Embahada kaugnay ng kanilang pagkakaaresto.

Pinuri naman ng alkalde ang mabilis na pagkilos ng Silang Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt. Col. Joseph Macatangay, gayundin ang intelligence operatives at mga opisyal ng barangay na nagtulu­ngan upang agad na maaresto ang mga suspek at maresolba ang krimen.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with