^

Probinsiya

Umbagerong mister pina-entrap ni misis

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado sa isinagawang entrapment operation ng pulisya ang isang mister matapos nitong kikilan ang kanyang dating misis ng halagang P80,000 kapalit para hindi na umano siya bubugbugin, kama­kalawa ng hapon sa Brgy. Niog, Bacoor City.

Base sa ulat, ikinasa ang entrapment operation ng mga operatiba ng Bacoor Police laban sa suspek na si alyas “Ronuel” sa isang fastfood chain sa Brgy. Niog matapos ireklamo ng dati nitong asawa na si alyas “Mae.”

Base sa salaysay ng biktima sa pulisya, pinupuntahan pa umano siya ng dating mister at palaging sinasaktan at hinihi­ngan ng pera at nitong huli ay kinikikilan umano siya ng P80,000 kapalit ng hindi na nito pagpapakita at pagtigil ng pananakit sa kanya.

Dito na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na agad nagplano para sa entrapment laban sa mister. Nagkasundo ang suspek at biktima na magkita sa isang fastfood chain sa nasabing lugar upang dito ibigay ang perang hinihingi nito.

Nang dumating ang suspek sa loob ng fastfood at iabot ang nasabing pera, rito na siya dinakma ng grupo at hindi na nakapalag pa nang posasan.

Narekober sa mister ang isang pirasong P1,000 marked money at 79 pirasong boodle ­money.

ENTRAPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with