Qualified human trafficking isinampa vs Defensor

MANILA, Philippines — Isinampa na National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes sa Pasig Prosecutor’s Office ang reklamong qualified human trafficking laban kay dating Rep. Mike Defensor kaugnay sa pagsagip sa 54 kababaihan sa Chicago KTV at Bleu Hotel, na gamit umano sa sexual exploitation, sa Pasig City noong Abril 21, 2026.
Nag-ugat ang pagdawit kay Defensor matapos matukoy na may koneksyon siya sa KTV bar at hotel, na naging dahilan sa pagsalakay at pagsasampa ng mga kaso sa 16 na indibidwal kabilang ang maybahay na si Julie at anak na si Michaela.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang isumite sa prosecutor’s office ang reklamo na isang non-bailable offense.
Isa sa sinilip ang pagpayag ni Defensor ang secret access na binagong istruktura ng gusali ng Bleu Hotel.
Kamakailan lamang, nagsagawa ng raid ang NBI sa isang disco bar sa Pasig City, kung saan nailigtas ang 54 na kababaihan na umano’y ginagawang “customer care assistants” para sa sexual exploitation kapalit ng halagang P10,000 hanggang P20,000.
Mariin pa ring itinatanggi ni Defensor ang paratang.
- Latest


















