^

Probinsiya

Top 6 ‘most wanted’ ng Isabela, nalambat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Top 6 ‘most wanted’ ng Isabela, nalambat
Kinilala ng Santiago City PNP ang nadakip na si alyas “Torio,” 66, residente ng San Jose, Santiago City at nasa listahan bilang top 6 most wanted ng lalawigan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ang isang tinaguriang top 6 most wanted sa lalawigang kamakalawa.

Kinilala ng Santiago City PNP ang nadakip na si alyas “Torio,” 66, residente ng San Jose, Santiago City at nasa listahan bilang top 6 most wanted ng lalawigan.

Dinakip ng mga tauhan mula sa Tracker Team ng Santiago City Police Station 3 katuwang ang CMFC, CIU SCPO, at RIU 2 CIT Santiago ang akusado sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 21, Santiago City, noong Marso 25, 2024 dahil sa 2 bilang ng statutory rape, 1 bilang ng rape, at paglabag sa R.A. 7610.

Walang kaukulang piyansa ang naging hatol ng hukuman laban sa akusado na nasa pangangalaga ­ngayon ng Santiago City PNP. 

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with